9th Scene-Isa sa mga Diwatang Ninang

93 6 0
                                    

9th Scene

Samantala humarap si Princess Shally sa kanyang ninang. Hiniling ng ninang niya na magkasarilinan sila kaya dinala siya nito sa hardin ng palasyo. Munting halakhak ang pinambungad ng ninang niya.

"Bakit?"

"Natatawa lang ako sa ayos mo. Dalaga ka na pero ang suot mo at ang ayos ng buhok mo ay para sa bata pa rin."

"Nasanay na po kasi ako ng ganito."

"Kaya nga ako pumunta rito para baguhin ka. Gagawin kitang ganap na dalaga at tiyak kong marami ang hahanga sa iyo at dapat magkaroon ka na ng prinsipe."

"Prinsipe tulad ng aking ama?"

"Oo."

"Saan ko makikita ang aking prinsipe?"

"Sa panaginip."

"Paano mo malalaman na siya ang prinsipe?"

"Dapat may pag-ibig."

"Ano iyon?"

"Masarap na pakiramdam ito na nagmumula sa iyong puso. Sa unang pagkikita ay bibilis ang tibok ng puso at sa tuwing magsasama kayo ay parati kang masaya. Ang mga simpleng bagay ay nagiging mahalaga. Dapat sa ganyang edad ay nararamdaman mo na ang mga iyan."

"Paano makikita ang prinsipe?"

"Iyon ang hindi ko alam. Kusa na lang itong darating."

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon