17th Scene-Sina Graciella at Cheska

70 5 0
                                    

17th Scene

Ang akala ni Franji ay lusot na siya kay Graciella. Ang babaeng tumawag sa kanya kanina. Hindi niya akalaing makakasalubong niya ito pag uwian. Kasama nito ang matalik na kaibigang si Cheska.

"Mabuti nagkita tayo Francis Jim Fuentebella." Mataray na bungad nito.

"Hi Grace akala ko wala kang pasok?"

"Puwes mali ang akala mo. Sino ang babaeng nasa kwarto mo?" mataray na tanong nito.

"Ha? A...e...Wala. Walang babae sa silid ko maliban sa kapatid kong si Kate."

"Huwag mo nga akong lokohin. Kilala ko ang boses ni Kate."

Napakamot na lang tuloy siya sa ulo. "E kasi..." Paano ba niya e-explain?

"E kasi ano? Walanghiya ka! Manloloko ka! Nambabae ka kahit andun pa ang mga kapatid mo!" Nagwawala ito sa galit. Pinagbabayo siya.

"M-Magpapaliwanag ako."

"No need! Halika na Cheska." Nagsimulang maglakad palayo ang dalawa.

"Sandali!" Hinarang niya ang dalawa at sinabi dito ang katotohanan.

"Totoo ba iyang sinasabi mo?"

"I swear." Tinaas niya pa ang kanang kamay.

"O sige malelate na kami."

Nang makaalis ang mga ito ay nakahinga siya ng maluwang. Aksidente lang ang pagiging magsyota nila ni Grace. Lasing siya noon nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya kaya nasagot niya ito na the feeling is mutual na senerysos naman nito. Kasamahan niya sa grupong Amazing Teens ang dalawa.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon