25th Scene-Amazing Teens

70 5 0
                                    

25TH Scene

Masayang ipinakilala ni Grace ang iba pang kagrupo kay Prinsessa Shally. Mainit naman ang pagtanggap ng lahat sa huli. Nang magsimula ang party ay mas marami pang miyembro ang naroon Nagsasayawan.

"Maaari ba kitang isayaw?" Alok ng isang lalake kay Prinsessa Shally na nakilala niya sa pangalang Trigger. Pinaunlakan naman nito ng prinsessa. Sinamantala naman ni Franji ang pagkakataon para magkasarilinan sila ni Grace.

"Can we talk?"

"Sure." Hindi mapagkita ang ngiti ni Grace nang hilahin siya ni Franji sa isang sulok.

"Please do me a favor." Sabi agad ni Franji.

"Okay."

"Puwede bang sa bahay ninyo muna mag-stay si Shally?"

"Are you crazy?!"

"Try to understand me, Grace. Hindi ko na maitatago pa si Shally sa mga kapatid ko. Hirap na rin ako. Hindi na dapat siya matulog sa kwarto ko."

"She's sleeping with you on your bed!" Halos magwalang turan ni Grace.

"It's not what you think, Grace. Kaya nga ako nahihirapan kasi sa sofa ako natutulog."

"Bahala ka!" Pagkasabi niyon ay tumalikod at naglakad palayo. Sinundan ito ni Franji.

"Please Grace..."

"Oo na!"

"Yes! I love you talaga...as a friend..." Nayakap niya ito pero mahina lang ang huling kataga. Sinadya niya talagang hindi ito iparinig sa dalaga.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon