“Seryoso ka ba?!!! Mag cu-cutting class talaga tayong dalawa?!” Hindi pa rin ako makapaniwala sa trip ng kumag na 'to, “Ibaba mo ako ngayon na!”
“Narinig ko sa student council office kanina na busy lahat ng prof para sa preparation ng School Anniversary kaya uutusan nila ang student council na mag bigay ng assignments sa bawat klase.” Paliwanag niya habang nagmamaneho.
“May lahi kang tsismoso 'no? Alam na alam mo talaga ang lahat. San mo ba ako balak dalhin?!”
“Sa bahay niyo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Tatapusin natin yung project.”
TATAPUSIN NATIN YUNG PROJECT? Bakit parang iba ang ibig sabihin sa akin non? Bigla kong ginulo ang buhok ko. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
“Pwede naman natin tapusin sa Sabado yung project eh. May isang linggo pa naman. Bumalik na tayo sa school at baka ano nanaman ang isipin nila sa atin.” Reklamo ko ulit.
“Gusto kong matapos na to para naman maging panatag na ang loob mo.” Napatingin ako sa kanya. Mukhang seryoso nman siya sa sinabi niya. “I know you're struggling a lot because of me at dumagdag pa ang Paolo na 'yon at tulad ng sinabi mo, hindi na kita kukulitin pa sa oras na matapos na ang project na to.” Dugtong niya. Hindi ako naka imik. Talagang seryoso nga siya sa sinabi niya. Mabuti naman kung ganon dahil ayoko na ng gulo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ako masaya sa mga sinabi niya?
“We’re here.” Dahil medjo lutang ang utak ko hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Agad na bumaba si Kevin at pinag buksan ako ng pinto. Ito rin ang isa sa napansin ko sa kanya--- ang pagiging gentleman niya. Teka, sandali! Bakit ko ba siya pinupuri? Tss.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nadatnan namin si Yaya Susan at si Baby Ralph sa may sala.
“Oh hija, wala ka bang pasok?” nagtatakang tanong ni Yaya Susan. Si Yaya susan ay matagal ng nagtatrabaho dito sa amin. Mga bata palang kami siya na ang yaya namin kaya malaki ang tiwala namin sa kanya at itinuring na rin namin siya na parang nanay.
“Wala ho yaya eh. Tatapusin lang namin yung project.” Sagot ko. Pansin ko naman na napatingin si yaya kay Kevin kaya bigla ko siyang siniko para magpakilala.
“Ah. Hello. My name is Kevin. Partner po ako ni Rhea sa gagawin naming project.” Sagot niya.
“Are you ate's boyfriend?” sabay kaming napatingin kay Ralph na kanina pa palang naka tayo at naka tingin kay Kevin, “Ate hates boys.” Mabilis akong lumapit kay Ralph at tinakpan ang bibig niya. Ganito lang tong kapatid ko pero madaldal din to tulad ni kuya Erickson.
“Sssh. Kaklase ko lang siya at hindi ko siya boyfriend. Ate hates boys diba?”
“No ate, he's your boyfriend eh. Bakit mo siya dinala dito sa bahay kung hindi mo siya boyfriend?”
“May kailangan lang kaming gawin. Gagawa si ate ng project kasama siya kasi nga classmates kami.”paliwanag ko sa kanya. Tumingin naman ako kay yaya Susan at sinenyasan siya na dalhin si Ralph sa kwarto nito.
“Kuya brother, please take good care of him.” Huling sinabi ni Ralph bago siya dalhin ni yaya Susan sa kwarto niya. Napa facepalm nalang ako sa sinabi niya. Alam na alam kasi talaga ng kapatid ko na ayoko sa mga lalaki at never akong nag dala ng lalaki dito sa bahay. Kaya niya siguro inakala na boyfriend ko si Kevin. Tsss. No way!
Biglang nagsalita si Kevin, “so you're a man hater.” Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama, “Kaya ba ang init ng ulo mo sa akin dahil ayaw mo sa mga lalaki?”
“Malay ko sayo.” Hindi ko na siya pinansin pa at dumeretso ako sa kwarto ko at naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.
“Makikita ko nanaman ang mga idol mo.” Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya or what dahil sa pagiging adik ko sa kpop. Hindi ko pa rin siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng kwarto. Agad kong kinuha yung project namin at inilagay sa mesa na nasa terrace. Inarrange ko na rin ang iba pang mga materials.
Nagtaka ako kung bakit hindi sumunod si Kevin dito sa terrace kaya binalikan ko siya sa loob ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang tinitignan niya sa loob--- isang picture.
“Akin na nga yan!!!” mabilis kong inagaw sa kanya yung picture at itinago ito sa ilalim ng kama ko.
“Dahil ba sa kanya kaya galit ka sa mga lalaki ngayon?” seryosong tanong ni Kevin. Napayuko ako, “Mahal mo pa rin ba?” sunod na tanong niya na siyang ikinagulat ko ng husto. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Wag mo nang alamin.” Sagot ko at bumalik ako sa may terrace. Sumunod naman sa akin si Kevin.
“So what's his name?” tanong niya. Bakit ba ang kulit niya?!!! Hindi niya ba siya titigil sa kakatanong? “Iniwan ka ba niya? Or ikaw ang nang iwan sa kanya?” i just rolled my eyes. Bahala siya sa buhay niya
“Hmmm. Feeling ko siya ang nang-iwan. Hindi ka naman magiging ganyan kung wala siyang ginawang masama sayo.” At dahil sa sinabi niya napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin ng seryoso sa kanya. “tama ako diba?”
“Ang daldal mo rin eh, no? Pwede ba tulungan mo nalang ako dito sa project natin?”
“Oo na. Tutulong na. Heto na nga.” Dali dali siyang umupo at pinagdidikit yung mga popsicle stick. Akala ko lulubayan niya na ako at hindi na siya mangungulit pa pero makalipas lang ang ilang minuto ay nagsimula nanaman siyang mag tanong.
“So what happened? Bakit ka niya iniwan?”
“Bakit ba gustong gusto mong malaman, ha?”
“I’m just curious.” Ang kuliiiiit!
Bakit ba kasi nakalimutan kong itago yung picture niya! Wala ngang alam sila kuya tungkol sa kanya eh pero bat si Kevin pa ang kauna-unahang tao na naka alam tungkol sa past relationship ko.
“Huy. Mag kwento ka naman.” Ang kulit talaga ni Kevin! Wala atang balak na lubayan ako. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan siya ng masama. Para siyang bata at naghihintay sa sagot ko. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kumag na 'to ang tungkol sa past relationship ko. Hindi naman siya mukhang tsismoso at para lubayan niya na rin ako. Muli akong bumuntong hininga saka nagsalita.
“Iniwan niya ako bigla. No explanation. No text. No call. No closure. He just left me. Happy?” sagot ko. Napahawak naman siya sa baba niya at nag isip, “Walang closure?” tanong pa niya.
“Yep.”
“So that's the reason kung bat ayaw mo sa mga lalaki?”
“Hindi lang 'yon ang rason.” Dahil maliban sa lalaking yon, isa rin si daddy sa rason.
“Eh ano pa?” tinignan ko ng masama si Kevin, “alam mo napaka tsismoso mo! Tama na nga yan!” Ang dami niya talagang tanong. Project pa ba tong ginagwa namin or Q and A?
“Eh ikaw, bat di ka mag kwento tungkol sa mga past relationship mo?” this time ako naman ang nag tanong sa kanya. Aba ang unfair niya naman kung sikreto ko lang ang alam niya. Swerte nga niya at sakanya ko inopen-up ang tungkol sa past relationship ko. “Siguro madami kang ex. .Mukha lang playboy eh.” Pang aasar ko sa kanya.
“You're wrong. Because I only have one ex.” Kung kanina, nakangiti siya pero ngayon biglang naging seryoso ang mukha niya. Pero isa lang ang naalala ko, nung sinabi sa akin ni Sandra sa cafeteria na may ex raw sa america si Kevin pero walang proof kung naghiwalay ba talaga sil or what. And confirmed! Hiwalay na nga talaga sila. Excited na akong ikwento kay Sandra ang tungkol dito. Hahahahaha
“Only ex? Di nga?” pang ee-chos ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng bahagya.
“She’s the only ex I have and just like what your ex did to you, my ex also left me. No explanation. No text. No call. No closure.” This time napatitig nalang ako sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata niya na until now nasasaktan pa rin siya. Pareho kaming dalawa. “Actually she's my first love. Highschool palang ako at college siya sinubukan ko na siyang ligawan at pumayag naman siya. Muntik na maging kami noon kahit na pero sinira kaming dalawa ng bestfriend ko noon dahil may gusto rin siya rito. And because of that, she started to avoid me until gumraduate siya ng college hanggang sa nagkaroon na siya ng trabaho. Luckily, I met her america at doon we started all over again.”
“And? What happened next?” Tanong ko. Ito ata ang unang beses na nag usap kami ni Kevin ng matino and nakakatawa lang dahil topic namin ang mga ex namin. Pero okay na rin to, mas magiging kilala namin ang isa't isa at marami akong maikekwento kay Sandra. Hahaha
“Maybe we are really not meant for each other dahil one day pag gising ko, she left me. And you know what the funny thing is?”
“What?” I asked.
“You are similar to my ex.” Nagulat ako sa sinabi niya, “Mukha, ilong, labi, pisngi magkaparehong-pareho.” This time naka titig na sa akin si Kevin. Napalunok laway ako sa sobrang bilis ng pag kabog ng dibdib ko. Kulang nalang tunawin niya ako sa mga titig niya. Kasabay ng pag titig niya sa akin ay ang matamis niyang ngiti kaya kitang kita ko ang malalim niyang dimple. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Ilang saglit pa ay muli nanaman siyang nagsalita, “At magiging kamukha mo na talaga siya sa oras na ngumiti ka. Even if I want you to smile, please don't do it. Gusto kitang makilala bilang ikaw at hindi dahil sa kamukha mo ang ex ko. I want to know you more, Rhea Mae Gibson.”
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *