RHEA'S POV
"Welcome back Seniors! How's your fieldtrip in Jeju Island?" Tanong sa amin ng adviser namin. Lahat ng mga kaklase ko ay di pa rin nakaka get-over sa fieldtrip namin..Tinignan ko naman si Kevin na nasa tabi ko.
"Uy. Stop day dreaming. Hahaha." Ngumiti naman siya at di na umimik. Nabaliw na ata? Hahahaha.
Oo nga pala. Isang linggo nalang last examination na namin kaya dapat maghanda na kaming lahat para makapag-isip na rin kami kung anong kukunin namin na course pagdating sa college..Kami na nga pala ulit ni Kevin ang mag du-duet para sa Gradball at Graduation. Next month na rin ang gradball namin.Hindi pa nga ako nakakapag-decide kung saan ako mag-aaral ng college eh. Tinignan ko ulit si Kevin pero nakasimangot nanaman siya. Ano kayang nangyari sa unggoy na to?
"Saan ka mag co-college?" Napatingin naman siya sa akin ng diretso. Ano kaya nangyayari sa kanya?
"Anywhere,basta malapit sa iyo." Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ang corny mo!" Ginulo ko naman yung buhok niya. Hahaha. Pero nabalik nanaman sa pagkalungkot yung mukha niya. May topak ata 'tong lalaki na to noh? Hmmmffff.
"Punta tayo sa rooftop mayang recess ha? Nakakamiss din kasi pumunta doon." Wika ni Kevin. Tumango naman din ako.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang klase namin. Habang nagkaklase kami Nabigla naman ako ng biglang sumulpot ang lalaking kinasusuklaman ko.Ang lalaking pinabayaan kami.
"Daddy?" Hinawakan naman bigla ni Kevin ang balikat ko. Alam na niya siguro ang gagawin ko. "Bakit ka nandito?Anong ginagawa mo dito?" I said na may halong galit.
"Your Brother.." Pansin ko naman yung pagaalala sa mga mata niya. Teka ano bang nangyayari? "Si Nash..nasa hospital." Agad naman nanlaki ang mga mata ko. Si Kuya Nash? Papano?Anong nangyari sa kanya?Rinig ko naman ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Hindi pa kasi nila alam na magkapatid kami ni Nash. Si Kevin,Paolo,JB at ako pa lang ang nakakaalam dito sa school.
"A-anong nangyari sa kanya?"
"Let's talk about it later. Come on." Nag excuse na ako sa adviser namin. Sumama naman si Kevin,ayaw paawat eh. Gusto niya rin daw malaman kung ano ang dahilan.Dali-dali naman kami pumunta sa hospital para tignan ang kalagayan ni Kuya Nash. Tamang-tama pagdating namin ay sinalubong na kami ng doctor.
"I'm glad you came." Huminga siya ng malalim "are you the family of the patient?" Tumango naman kami ni daddy. "Oh well,sad to say pero nasa malalang condisyon siya ngayon."
"What do you mean doc?" -Daddy
"He's in comatose. At posibleng lumala pa ang kondisyon niya ano mang oras.Pwedeng machine nalang ang pag-asa kaya siya nabubuhay pa." Napatakip naman ako sa bibig. H-hindi pwede. "May isang babae na nagdala sa kanya dito sa hospital kagabi. And the girl said na pinagtripan daw siya at binaril ng mga addicts habang naglalakad sila papuntang bar."
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *