RHEA'S POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nawala si daddy. Hindi pa rin nawawala yung sakit na naramdaman ko. Sana nakahingi man lang ako ng tawad bago siya mawala. Wala akong kwentang anak. Halos ilang araw na rin ako hindi makatulog ng mabuti,hindi na rin ako madalas kumakain. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok. Hindi pa ako nakapag-take ng last examination. Hindi ko rin kinakausap si Kevin kapag nagkikita kami.
"Rhea. Magpahinga ka na." Hinawakan naman ni Kuya ang balikat ko. Tulala lang ako habang nakaupo at tinitignan ang kabaong ni daddy sa harap. Maya-maya ay ililibing na rin siya.
"Kuya.. Masama ba akong anak?" Umupo naman sa tabi ko si Kuya. Niyakap niya naman ako bigla "Kuya,h-hindi man lang ako nakapag-sorry kay daddy.*sob*"
"Rhea,kung nasaan man ngayon si daddy alam kong masaya na siya..Dahil bago pa siya mawala nagka-ayos na kayo. Kahit di mo man nasabi sa kanya ang gusto mong sabihin,alam ko ngayon naririnig ka niya..Kaya huwag ka ng umiyak." Kumiwalas naman ako sa pagka-yakap. Pinunasan naman ni Kuya ang mga luha sa pisngi ko. Kahit wala si daddy alam kong nandyan lang sila at kuya para sa akin. Kaya hindi ako papayag na pati sila mawala sa akin.
Dumating naman si ate Lyla "Kuya Erickson,si Mommy." Napatayo naman si Kuya
"Bakit?Anong problema?"
"Nandito na siya sa Pilipinas. Gusto niyang makita kung sino ang pumatay kay daddy." Napatayo naman ako bigla. Si Mommy uuwi? Ilang taon din siya hindi umuuwi dito sa Pilipinas,masyado kasi siyang busy sa business niya sa ibang bansa. Pero kahit ganun,masaya naman ako dahil uuwi na siya ngayon.
"Sunduin na natin siya sa Airport..Tara." Dali-dali naman kami lumabas ng bahay papunta sa airport. Isinama na rin namin si Baby Ralph para makita siya ni mommy. Alam kong miss na miss na siya ni mommy. Nang makarating na kami sa airport pumunta na kami agad sa may Arrival Area. Hinahanap namin si mommy pero di namin siya makita. Nasaan na kaya siya?
"Mommy!" Sigaw ni Ate Lyla. Dali-dali naman kami tumakbo papunta kay mommy. Inalis niya naman yung suot siyang sunglasses.
"Mga anak? Kayo na ba yan? Naku! Ang lalaki niyo na." Niyakap naman kami isa-isa ni mommy,lalo na ang bunso namin. Hahahaha. Habang karga2x niya naman si baby Ralph pansin ko naman yung pagkalungot niya "Ahm. How's your daddy?" Tanong niya. Nagtinginan naman kami nila Ate at Kuya.
"Uhm.. Ililibing na siya mamaya mommy. Mas mabuti pa siguro na umuwi na tayo." sumakay naman kami sa kotse ni Kuya. Oo! May kotse siya. Hindi niya lang ginagamit kasi baka raw masira. Hahaha. Pero ngayon ginamit na niya,pa-humble ata kay mommy. Sus!
**
"Rest in Peace daddy." Tumulo nanaman ang luha. Kakalibing lang kay daddy at nararamdaman ko yung sakit sa puso ko. Tuwing naaalala ko si daddy iniisip ko talaga na wala akong kwentang anak.
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *