Chapter 63-The Prom Night

11.9K 178 4
                                    

RHEA'S POV

"Waaaaaaaaaa!" 

Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito sa bahay. Excited na ako! Mamayang 6pm na kasi ang Prom namin. Hihihi. Ang tagal kong hinintay to,PROMISE!!! :"> Sa dati ko kasing school di ako naka attend ng prom kasi nga lagi nalang akong binubully. Kaya yun.

"Oy Rhea! Anong nangyayari saiyo?" -__- Epal talaga tong si kuya.

"Wala. Excited lang." Sagot ko habang palakad-lakad sa loob ng kwarto na para bang may ini-imagine.

"Aysus! Maligo ka na. At mamaya darating na rin yung mag me-make up saiyo. Kukunin na rin ni mommy yung cocktail dress na pinagawa niya para sa iyo."

Lumapit naman ako kay Kuya atsaka hinawakan siya sa braso.

"Kuya,ano ba ang feeling kapag nasa prom ka?" Tanong ko naman. Kahit di ko nakikita alam kong may mga bituin na bumubuo sa mga mata ko. Hihihihi :">

Ngumisi naman si Kuya "Syempre. Masarap sa feeling. Pakiramdam mo isa kang prinsesa o prinsipe. Teka! Bakit ba napaka-excited mo ha?"

"Wala lang. Alam mo naman kasi diba? Hindi ako naka attend ng prom nung Junior pa ako."

"If I know Excited ka dahil kay Kevin. Hahahaha." =_________= Ayun. Narinig ko nanaman ang nakakairita niyang tawa.

Pero aminado ako,excited talaga ako dahil kay Kevin! Hindi na ako makapag-hintay na isayaw niya ako. Waaah! Kilig to the bones. Ano kaya ginagawa ni Kevin ngayon? Ano kayang suot niya? Ano kaya ang itsura niya mamaya? Mas lalo kaya siyang gumwapo? Ayiiiiee. I can't wait.

"Oy. Tama na ang pag de-day dream.Maligo ka na." Utos naman ni kuya atsaka lumabas na ng kwarto ko. Lakad pa rin ako ng lakad sa loob ng kwarto. Minsan lang ako mag imagine ng ganito! Pagbigyan nyo na! Hehehe. Yakap-yakap ko yung sarili ko tapos nag iimagine ako na kunwari sinasayaw ako ng mga gwapong Prinsipe...Haaay. Sarap sa pakirdamam.

-

Nandito na yung make-up artist ko. Char! Makapag make-up artist naman. XD Hahaha. Infairness ah,ang gandang bakla neto. Kamukha ni Kevin Balot. =))) Nandito kami sa kwarto ngayon,dito niya daw ako aayusan. Si Mommy naman inaayos yung cocktail dress ko pati na rin yung mga jewelries na susuotin ko. Ang sweet ni Mommy. Hihihi

"So miss Rhea,magsisimula na akong ayusan ka,Okay?" Wika ni make-up artist. Tumango naman din ako atsaka nagsimula na siyang ayusan ako. Tinalian niya muna yung hair ko para di daw sagabal sa paglalagay niya ng make-up sa mukha ko. Pagkatapos ay nagsimula na siyang lagyan ng make up ang mukha ko.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now