Chapter 67-The Unforgotten Past

10.7K 156 3
                                    

RHEA'S POV

"Uwaaa! Late na ako sa practice! Anong oras na ba?" Nagmadali akong bumangon sa kama ko para tignan ang oras. Waaaaa! 7:30am! 8:00am ang practice namin para sa darating na graduation..Kailangan ko na kumilos.

Natapos ko na lahat ng gawain ko dumeretso na ako sa school. Hindi na ako kumain.. Male-late na ako eh! Hindi ko na rin hinintay yung tatlo kong sundo at sumakay na ako agad ng taxi. Pagdating ko sa school tamang-tama magsisimula na ang practice. Huh! Buti naman nakahabol pa ako.

"Uy Rhea kanina ka pa hinihintay nung bestfriend mo." Sabi nitong katabi ko na si Sandria.

"Ha? Bestfriend? Nasa kulungan kaya bestfriend ko." Bwehehe. Ang bad ko talaga. XD

"Diba bestfriend mo yung pumunta dito sa school kahapon? Yung poging koreano?" Nanlaki naman yung mga mata ko "ayun nga siya oh,kanina pa siya nakaupo doon sa may bleachers ." Tinuro niya yung bleachers kung saan nakita ko ang pagmumukha ni Michael. Napansin niya ata na nakita ko siya kaya kumaway siya sa akin.

Haiiissst! Ano bang problema ng lalaking 'yon?! Ano nanaman ba ginagawa niya dito? -_- Panira talaga ng araw. Ang iba naman dito tili ng tili,lamunin nyo nalang kaya ang lalaking 'yon para mawala na siya sa paningin ko. Tss.

"Seniors,form a straight lines. Separate ang boys and girls." Sabi nung teacher na assign sa practice namin for graduation.Kaya nag form na rin kami ng isang straight line. Napatingin naman ako kay Michael na nakangiting nakaupo doon sa bleachers. Haaay. Nakakaloka.

Teka,nasaan nga ba si Kevin?

Bigla naman nag-vibrate yung phone ko.

1 message received

From: My Kevin <3

"Hindi ako makaka-attend ng practice ngayon,masama ang pakiramdam ko. Pakabait ka dyan. I Love You. :* "

Haaaay.

Rereplyan ko pa sana siya kaso umepal naman tong teacher at kinuha ang cellphone ko! Ayun! CONFISCATE! Bakit ba parang minamalas ako ngayon?! Tinignan ko naman ng masama si Michael kaso nginitian niya lang ako tulad ng ginagawa niya tuwing nagkikita kami.

Waaaa! KEVIN!! Kung saan kailangan ko siya,doon pa siya WALA. hmmm. Bumuntong hininga naman ako. Kailangan ko nga palang iwasan at huwag na kausapin ang Michael na yan tulad ng sinabi sa akin ni Kevin. Dapat nga!

Nagsimula na ang practice namin. Tinuro din sa amin kung saan kami pupwesto pagdating ng Graduation. Pati na rin ang pag-akyat sa stage para kunin ang diploma at certificate namin. Ilang beses pa kami pinaulit-ulit dahil sa mga makukulit kong kaklase na mga lalaki. Hindi nakikinig doon sa teacher tapos ang iingay pa. Mukhang ikakamatay ata nila kapag di nila nagawang mag-ingay ng isang araw.

"Okay Seniors,break time." Mabuti naman! Eh gutom na ako eh. Wala pa akong kain simula kanina. Naglakad na ako papuntang Cafeteria.Naramdaman ko naman na parang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Micheal. Sino pa ba?! -_-

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now