RHEA'S POV
Si ate pala yung Ex ni Kevin?Kaya pala lagi niyang sinasabi na magkamukha kami nung Ex niya.
Patakbo akong pumunta sa rooftop.. Pero ang sinabi ko kayla ate sa C.R ako pupunta..Ayoko,gusto ko mapag-isa ngayon..Gusto ko mag isip-isip tungkol sa mga nangyayari ngayon,ang GULO eh! Di ko akalain na ganito yung mga mangyayari..
Humiga ako sa may rooftop at pinagmasdan ang langit..
Si ATE at KEVIN...
Hindi ko akalain na sila pala noon..May balak pa kaya silang magkabalikan?
SI JUSSEL....
Mahal niya pa ba ako?May balak kaya siya na magsimulang muli kasama ako?
Bakit ba nangyayari ang mga ganito?Kung saan masaya na ako doon pa darating yung mga hindi ko inaasahang problema..Talaga bang kailangan mangyari ito?
Hindi ko na namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko habang nakatingin pa rin sa langit..
"Ang dumi jan,bat ka humihiga?" Napalingon ako bigla,si KEVIN.
Lumapit siya sa akin atsaka umupo sa tabi ko habang ako ay nakahiga pa rin.
"B-bat ka nandito?" Tanong ko.Diba dapat kausapin niya si Ate?
"Gusto ko kasi lagi kang nasa tabi ko..Para pakiramdam ko,wala akong problema.."
"Ha?" Tumingin ako sa kanya.Pansin ko sa mga mata niya yung pagkalungkot.
"Rhea,IKAW ANG KAILANGAN KO.." Nanlaki naman yung mga mata ko.Sumabay pa yung pagbilis ng tibok ng puso ko..
"A-anong ibig mong sabihin?" Bumangon ako at umupo katulad niya..
Nabigla naman ako dahil agad niya akong niyakap..Ang higpit ng pagka'akap niya sa akin ramdam ko rin na UMIIYAK siya.
May lalaki pa palang umiiyak?Ni minsan kasi di ko nakita kay daddy yung mga luha niya,nung iniwan niya kaming lahat habang umiiyak at nagmamakaawa sa kanya.
"B-bakit pa siya bumalik?" Iyak niyang sabi.Napahinga ako ng malalim.
"K-Kevin,pwede mo naman siyang balikan kung mahal mo pa siya eh..Diba MAHAL mo pa siya?Kaya pwede na kayo magsimula ulit.." Unti-unti ko naman naramdaman yung pagkirot ng dibdib ko.Bakit ganito?
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *