RHEA'S POV
Kakauwi ko lang galing sa Hospital,hinatid na rin ako ni Kevin dito sa bahay para makapagpahinga man lang ako. Para di ako ma-stress kakaisip sa mga problema namin.
"Rhea!Rhea!" Napalingon naman ako bigla kay Ate Lyla. Lumapit siya sa akin. Dala-dala ang itim na sobre at yung notebook na binigay sa akin ni Sindy kanina.
"Ano yun ate?"
"Tignan mo to oh." Pinagtabi niya yung sobre at notebook.. "Diba magkaparehong-magkapareho ang writing?" Tinignan ko naman ng maigi ang writing. Hindi naman ah.
"Hay naku ate. Ano ba yang iniisip mo. Malayo naman oh.Buti pa magpahinga ka na..Goodnight ate!" Hinalikan ko siya sa pisngi at agad naman ako pumunta sa kwarto ko. Tumalon ako agad sa kama ko.Hayss. Sana walang dumating na problema pagkagising ko bukas.Sana isang panaginip lang ang mga nangyayari ngayon. Pero di pa rin ako mapalagay dahil si Baby Ralph di pa rin nakikita. Nag ring naman bigla yung Phone ko.
Calling.....My Kevin <3
"Hello Kevin?"
[Kamusta ka na?]
"Okay naman. Pero di pa rin nakikita si Baby Ralph."
[Hayaan mo. Pinahanap ko na rin siya sa tatlong monggoloid natin na bodyguards.]
"Okay lang Kevin. Kaya naman siguro ng mga pulis yun eh."
Narinig ko naman na tumawa siya
[Hahay. Rhea,wag papagod masyado. Mahal pa naman kita.]
"Baliw ka talaga! Matulog ka na nga. Anong oras na oh."
[Ikaw dapat ang matulog na.. Alam kong pagod ka at marami kang iniisip.]
Napangiti naman ako. Napaka-concern naman ni Kevin. Kinikilig tuloy ako.
"Okay lang ako. Sige na matulog ka na."
[No. Aawitan nalang kita para makatulog ka na. Okay?"
"Oh sige2x. Make sure na makakatulog ako ah. Humanda ka pag hindi."
Tumawa naman siya[Don't worry.]
"Sige na awit ka na." Humiga naman ako agad2x at niyakap agad yung isa kong unan. Then after a few minutes nagsimula na siya umawit.
[Play the Music Video Here---->]
''I turn off the lights and let you sleep
Just close your eyes, relax and breathe in slowly, no, don't feel lonely
'Cause I'll be right here by your side
If you should awake into the night keep dreaming''
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *