RHEA'S POV
"Seryoso ka ba talaga Rhea?" Tanong sa akin ni Kuya Erickson.
Nandito kami ngayon sa airport. At maya-maya nalang ay flight ko na papuntang New Jersey. Sigurado na talaga ako sa gagawin ko.. Kung matagal ko na sana itong ginawa sana wala ako naging problema eh.
I nodded.
"Paano ang klase mo? Absent ka nalang ba ganun?"
"Nagpaalam na rin naman ako sa professor namin eh. Pwede naman siguro ako mag-aral ulit. Hehehehe."
"Baliw ka na talaga Rhea."
"Baliw na kung baliw." Tinignan ko yung oras "Sige na kuya. Aalis na ako. Pakisabi kay mommy na mag-iingat siya..Pati kayo na rin." Huminga lang siya ng malalim at ngumiti sa akin..
"Pakisabi na rin kay Jussel na, I'm sorry." Tinanggal ako ang suot kong singsing at binigay kay Kuya "Pakisabi na rin na salamat." Ngumiti ako bago tumalikod kay kuya papuntang pre-departure area. Muli akong humarap sa kanya at ngumiti..Kinawayan ko siya at nag flying kiss na rin ako sakanya. Ngumiti lang din siya sa akin at nag wave bago ako tuluyang pumunta sa may pre-departure area.
Buo na ang desisyon ko..
Babalik na ako kay Kevin..
JUSSEL'S POV
Napangiti ako...
Siguro nga hanggang dito nalang ang sa amin ni Rhea.. In short...
WALANG PAG-ASA..
Natawa ako bigla.. Para na ata akong baliw. Hahahay.
Ang tanga ko noh? Umaasa pa rin ako.. Umaasa na mapa-saakin muli si Rhea kahit na alam ko namang imposibleng mangyari 'yon. Dahil may iba nga siyang mahal..Siguro ito na ang tamang panahon..
Tamang panahon para sumuko na sa lahat..
Lalabas na sana ako ng bahay ng bigla kong makasalubong si Erickson..
"Nakaalis na ba siya?" Tanong ko.
"Oo.. Ang sabi niya sorry daw."May nilabas siya sa bulsa niya..Yung engagement ring namin ni Rhea.. "Sorry daw kaya ibabalik na niya ito." Bumuo ang mapait na ngiti sa labi ko..
"Saiyo nalang yan Erickson.. Ibigay mo sa magiging girlfriend mo."
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *