Chapter 58-Revelation

10.3K 184 6
                                    

RHEA'S POV

"Makikilala niyo na siya."Pagkatapos sabihin ni Lian yun ay lumabas na siya. Tinignan ko naman si Jussel. Puno na ng dugo ang kamay niya. Pero konteng tiis nalang at matatanggal na ang tali.

Tinignan ko naman si Kevin. Hinang-hina na siya ngayon. Pagbabayaran ng dalawang magkapatid na yon ang lahat2x ng ginawa nila! Mabubulok sila sa kulungan!

"K-Kevin.." Tawag ko sakanya. Humarap naman siya sa akin "Kevin..Tumakas ka ha? Hindi ka pwedeng tumagal dito." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"H-Hindi kita iiwan.."

"Pero Kevin------" Naputol bigla ang sasabihin ko dahil biglang dumating sila Lian kasama yung mga lalaki. Pagpasok nila sumunod naman ang isang babae.

Nanlaki naman ang mga mata ko. S-Siya ba?Siya ba ang kapatid ni Lian? Imposible! Hindi ako makapaniwala. Hindi p-pwede. Hindi siya. Hindi. Tumingin naman siya sa akin,kakaibang tingin. Hindi siya ang nakikita ko ngayon. Hindi siya ito. Ibang-iba siya ngayon.

"Kamusta?Bestfriend.." Hindi ko akalain na tatraydurin ako ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko akalain na siya ang may pakana ng lahat. "It's good to see you here,bestfriend."

"Anong ibig sabihin ng lahat ng ito Sindy?!!!!" Inis,galit ang nararamdaman ko ngayon. Traydor si Sindy! Traydor! Parang nag-iba ang tingin ko sakanya ngayon,parang gusto ko siyang patayin! Hindi ko akalain na ang tinatawag kong bestfriend ang gumawa ng lahat ng ito! Naiinis ako sakanya!

"Magsisimula na ang palabas Rhea.." Tumawa naman siya. Nakakainis siya! Kailangan ko makawala dito. "At syempre hindi mabubuo ang palabas kung wala ang bida." Tinignan ko naman siya ng masama. "Ipasok niyo na ang lalakeng yan dito!" Sigaw niya.

Pumasok naman ang mga lalaki habang hawak-hawak nila si Daddy? Hindi maaari!

"Daddy!!!!" Sigaw namin nila Kuya.

"Daddy!Daddy!" Sigaw ko naman. Napupuno na ako! Di ko na kaya ang mga nangyayari. Tinignan ko naman yung kanang binti ni daddy,dumudugo ito at may sugat.. Agad nanaman tumulo ang mga luha ko. Please lang,wag ngayon. Wag niyong pahirapan si daddy. Mahal na mahal ko siya eh. Kahit iniwan niya pa kami noon. Daddy ko pa rin siya. Hindi magbabago yun. Lumapit naman sa akin si Sindy.

"Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit kayo nandirito ngayon,diba?"

"Pakawalan mo si daddy! Traydor ka Sindy! Traydor!" Sinampal niya naman ako.

"Sindy! Stop it! AKo nalang ang pahirapan mo! Wag ang mga anak ko! Pakawalan mo na sila!" Sigaw naman ni daddy habang umiiyak. Tinignan naman siya ni Sindy. May kinuhang kahoy si Sindy at pinalo niya ito kay daddy.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now