RHEA'S POV
"J-Jussel?A-Ate Lyla?" Bakit pati si ate Lyla nandito? Tama na Rhea! Pffft.
"Ate?B-Bakit ka nandito?" Tanong ko.Tumingin naman ako kay Kevin pero wala akong makitang reaksyon sa mukha niya. -________- As always!
"Humingi kasi ako ng tulong kay Kuya Erickson na hanapin si Jussel,tinulungan niya naman ako.. Pero di namin siya mahanap kaya umuwi nalang kami. Nabigla nalang din kami kasi pumunta dito si Jussel sa bahay,dito daw muna siya mag sstay,nagpaalam na raw siya sayo at pumayag ka naman daw.."
Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa gabi ko. :/
Our EX's are here! Duh! Hindi ba parang AWKWARD? Di bale.
"Okay!Okay!Let's all have a dinner.. Tara na!" Nabaling ang atensyon naming lahat kay Kuya. Kaya ayun pumunta na kaming lahat sa may dining table para kumain. Katabi ko sa kanan si Baby Ralph at sa kaliwa ko naman.. Guess WHO??? -_- Edi si Kevin!
Tahimk lang.
Walang imikan.
"Bakit parang ang tahimik naman?" Biglang sabi ni Kuya Erickson. Nakangiti pa oooooh. Hay nako!
Sila nalang ang mag-usap! Susubuan ko nalang si Baby Ralph.
"uhm..Kevin?Kamusta ka na?" Agad naman ako napatigil ng biglang magsalita si Ate Lyla. Tumingin naman ako kay Kevin na parang walang pakealam sa mga nangyayari.
"Okay lang." Sagot ni Kevin.
"May something na ba sa inyo ng kapatid ko?" Tanong ulit ni ate.
"Actually..Kami na.." Inapakan ko naman yung paa ni Kevin.Nakakainis talaga! "Aray ko naman!" Mahinang sabi niya at saka tumingin lang sa akin.
"Umayos ka." Bulong ko sakanya. Nag smirk lang siya at ibinaling ulit ang atensyon kay ate.
"Ahh..Mabuti,Masaya ako para sa inyo." Bati ni ate Lyla.
"Salamat." Sagot ni Kevin.
Hindi ko talaga maintindihan. Bakit parang Okay lang kay Ate Lyla? Naka move on na ba siya? Hmmmfff. Ano ba itong mga sinasabi ko haaay. Mas mabuti pang matutulog nalang ako ng maaga. -_-
"Uhm.Kuya aakyat na ako ah?Matutulog na ako.Sige." Tumayo na ako kaso pinigilan nanaman ako ni Kevin.
"Sandali..Sabay na tayo." Uminom siya saglit ng tubig at tumayo na rin. "Tara na.."
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *