Chapter 73-Misunderstanding

9K 142 4
                                    

JUSSEL'S POV

Nakita ko si Rhea na umakyat papuntang kwarto niya.. Ewan ko,pero pakiramdam ko parang may problema siya.

"Anyare sakanya?" Tanong sa akin ni Erickson. May handaan pa naman para kay Rhea,kaya kailangan di siya kumukulong ngayon sa kwarto niya.

"Hindi ko nga alam. Pupuntahan ko lang siya." Pinigilan ako bigla ni Erickson.

"Ako na ang bahala Jussel. Sige na,kumain ka nalang ng marami." Ngumiti lang siya tapos pumunta na sa kwarto ni Rhea.

Binulsa ko nalang ang magkabila kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko at pumunta nalang sa likod ng bahay nila Rhea,sa may court. Kinuha ko yung bola sa gilid at naglaro nalang ng basketball mag-isa. Hinubad ko naman yung damit ko dahil sa pawis at nagpatuloy na sa paglalaro.

Gagawin ko na bukas ang plano ko..

Ang plano ko na SUMUKO na sa mga pulis..

Kaso nagdadalawang isip pa rin ako. Hindi ko alam kung paano magpasalamat kay Lyla sa lahat ng naitulong niya. Siguro nga,ang angkinin ang sarili niyang krimen ay malaking bagay na sa akin para makapagpasalamat sa kanya..Ang laking tulong niya sa akin,naging mabuti siyang

KAIBIGAN para sa akin. :))))

Kaya nga kanina habang nag-uusap kami ni Paolo,wala na talaga akong balak bumalik.. Kasi alam kong di na rin naman talaga ako makakabalik sa amin,kasi nga mabubulok ako sa kulungan. Yeah,nung mga nakaraang araw masyadong marami akong iniisip.. Isa na doon si Rhea,at isa na rin doon si Lyla. Oo naguguluhan ako kung mahal ko pa ba talaga si Rhea,kasi sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Kevin nagseselos ako at kapag mag-isa man lang si Rhea parang wala na akong pakealam sakanya. Ang gulo noh? Hindi ko talaga alam.

Si Lyla naman,di ko alam kung susuko ba ako sa mga pulis. Ayokong iwan si Lyla,sa katunayan nga para na rin siyang KAPATID para sa akin. Napalapit na rin ang puso ko sakanya. Nagdadalawang isip din ako noon kung susuko na ako sa mga pulis. Sa katunayan nga si Lyla dapat yung sumuko pero kailangan ko rin gawin 'toh. Ako rin naman ang dahilan kung bat nagawa yun ni Lyla. Kung di ko lang siya pinilit sa kasunduan namin noon,hindi sana siya mapapahamak.

Shinoot ko naman ang bola..

Tama nga ang desisyon ko,lalapit at susuko na ako sa mga pulis bukas.

RHEA'S POV

Ang sama mo talaga Kevin. :((( Bakit mo ako iniwan ng ganun ganun lang? LECHE!!!! Tikankpan ko naman ng unan yung mukha ko at humagulgol na sa pag-iyak..

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now