RHEA'S POV
"Rhea,Will you be my wife in the future?"
Hindi ako makagalaw..
Parang umatras yung dila ko..
Bakit parang ang bilis ata ng pangyayari?
HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG ISASAGOT KO.
"Oo na yan Rhea!"
"Sige naa!"
"Woooo!"
Nakatingin lang ako sa hawak hawak ni Kevin na singsing. Hindi ako makapaniwala,hindi ko akalain na mag po-propose siya ng ganito sa akin. Masyadong mabilis ata.
"Rhea,will you?" Tanong ulit ni Kevin. Tumingin naman ako sa kanya. Hindi ako makagalaw,nanginginig yung mga tuhod ko. Tinignan ko yung mga tao na nandito,lahat sila naghihintay sa sagot ko..Pero,
ANO NGA BANG ISASAGOT KO?
LYLA'S POV
Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga at matulog na..Pero bigla ko naman naalala si Jussel. Kanina pa siya wala sa mood eh,hindi rin siya masyadong nagsasalita..Ano kayang problema niya?
Lumabas nalang ako sa kwarto para puntahan si Jussel. Hindi ako mapalagay,alam kong may problema siya..Gusto kong malaman,gusto kong makatulong. Kumatok ako sa kwarto bago pumasok sa loob,nadatnan ko siyang nakahiga sa kama habang may suot na earphone at nakapikit ang mga mata nito. Umupo naman ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan lang siya.
"Jussel.." Tawag ko. Pero nakapikit pa rin siya. Tulog na ba 'tong kumag na 'toh? Mas lalo naman akong lumapit sakanya para tanggalin yung suot niyang earphone..Tatanggalin ko na sana ng bigla siyang nagising..
"A-anong ginagawa mo?" Magkalapit na yung mga mukha namin ngayon.. Naduduling ako dahil nagkakatitigan kaming dalawa.Hindi ko alam kung lalayo ako o ano..Pero yung puso ko bumibilis nanaman.
"B-Bakit ka nandito?" Tanong niya ulit. Napalunok laway naman ako bago lumayo sakanya..
"A-ano kasi eh...M-May itatanong sana ako saiyo." Shemayy! Di ako makatingin sakanya. Mukhang nagkakailangan na ata kami dito. Haiiisssst.
"A-ano yun?" Nauutal niyang tanong..
Huminga naman ako ng malalim.. Hindi pa rin ako makaharap at makatingin sakanya..
"M-May problema ka ba?Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala ka sa mood eh."
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *