RHEA'S POV
NAGISING nalang ako dahil sa araw mula sa malaking bintana dito sa hotel na tinutuluyan ni Kevin..Maganda ang gising ko ngayon,kasi nga kasama ko si Kevin :) Hindi lang ata ito ang unang beses na nakasama ko siyang matulog. Pero kahit na paulit-ulit pa kaming magsama,di ako magsasawa.
"Gising na pala ang prinsesa ko." Kinusot ko ang mga mata ko. At pagdilat ko nakita ko ang isang napaka-gwapong nilalang. Si Kevin.
"Goodmorning Kevin." Umupo ako sa kama. Pero nagulat ako sa ginawa niya,hinalikan niya ako bigla sa pisngi ko. Syetttt. Ramdam na ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ako. HANUBAYAN! XD
"Kumain ka na."Hinalikan niya naman ako sa noo >__< "Pagkatapos ay maligo at maghanda ka na." Halik naman sa ilong "At magpaganda ka" Halik sa magkabilang pisngi "Dahil may lakad pa tayo,mahal kong prinsesa." Then kiss sa LIPS! >__<
CHAROOOOOOOOT! XD
ANUBAYAN! KINIKILIG AKO!
"Tama na ang pamumula. Kumain ka na." Saka siya tumayo at ginulo ang buhok. Waa! Feeling ko tuloy mag-asawa na kami. Bwehehehe.
Tumayo na ako mula sa kama at dumaretso sa may dining area. Good for two persons only ang laki ng mesa dito sa kwarto ni Kevin. Tapos magaganda ang mga gamit. Halatang mamahalin. Umupo na ako sa upuan kaharap niya at kumagat ng sandwich.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Umupo na rin siya kaharap ko at nilagyan ng fresh milk yung baso ko.
"Ipapasyal kita dito sa New Jersey."
"Talaga? Pero sandali. Wala ka bang pasok?"
"Absent muna ako. Gusto ko kasi ituon ang buong araw na ito para saiyo eh." Napangiti ako"Sige na kumain ka na."
I just nodded and started to eat.
Tahimik lang kami habang kumakain. Pero bigla niyang binasag ang katahimikan na 'yon at agad na nagsalita.
"Alam mo,masaya ako ngayon." Napatingin ako sakanya "Kasi kahit di pa tayo kasal,pakiramdam ko mag-asawa na tayo. Nakakatuwa nga eh." Bumilis tibok ng puso ko.
Araw-araw siguro mas lalo akong nahuhulog kay Kevin. Ayoko ko na talaga pakawalan ang mokong na ito. Sana tapos na,sana tapos na ang lahat ng problema sa relasyon naming dalawa. Sana wala nang darating pa na problema. Masaya na ako ngayon eh,masayang masaya.
Matapos naming kumain ay naghanda na rin kaming dalawa para sa pagpasyal namin. Syempre,makapal ang mga sinuot ko. Ayaw ko mamatay sa lamig noh. May snow pa naman. At Grabe,di ko na nga makita-kita ang mga bubong ng mga bahay dito eh. Dahil sa natatakpan na talaga ito ng snow.
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *