RHEA'S POV
Kakaalis ko lang ng bahay. Papunta na ako sa Elevate Club doon na rin kami magkikita ni Sandra.
Matagal na akong hindi nakakapag-CLUB simula nung umalis ang bestfriend ko dito sa pilipinas at pumunta sa ibang bansa.Namimiss ko na siya,pero may hindi kaming pinagkaintindihan bago siya umalis.
Nandirito na ako sa labas ng Elevate Club at maya-maya pa ay nakita ko si Sandra.. Medjo nanibago ako sa kanya dahil masyadong maikli yung suot niya,halos makitaan na siya.Hindi ko akalain na marunong magsuot ng mga ganito si Sandra.May problema kaya??
"Sandra!" Tawag ko sa kanya.
"Oh Rhea..Ang ganda mo ngayon ah?Hindi akalain na mahilig ka pala pumunta sa mga club tulad nito."
"Ahhhh.Gawain ko toh noon eh,pero may problema ako kaya kailangan ko pumunta sa lugar na ito."
"Pareho lang naman tayo eh.Tara na sa loob.." Alok niya sa akin. Teka,Problema? Pati siya may problema? Ano kaya yun?
Pagpasok namin sa loob pumunta agad kami malapit doon sa may Bartender at umupo.Umorder naman si Sandra ng Tequila Sunrise Perfeita.Samantalang ako naman ay Bonterra wine ang inorder ko..
Ilang minuto palang ang nakalipas ay nakakarami na ng inom si Sandra at mukhang wala na siya sa sarili niya. Ako naman medjo nahihilo na nakakailang baso na rin kasi ako.Hinila naman ako bigla ni Sandra sa gitna para sumayaw kaya sumayaw na rin ako. May nakikisayaw rin na mga lalaki sa amin.Maya-maya pa ay biglang tumigil si Sandra at bumalik doon sa pwesto namin kanina.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sakanya.May luha kasi na tumulo eh.
"A-ko?U-umiiyak?Hahahaha.O-oo..M-masakit eh..A-alam mo yun?" Sabi niya habang umiiyak pa rin.Medjo hindi ko maintindihan yung iba niyang sinasabi dahil sa lasing na talaga siya.
"A-ano ba ang problema?" Tanong ko sakanya.Bago niya sagutin ang tanong ko uminom nanaman siya ng isang tequila.Pero nabigla nalang ako ng biglang may pumigil sa kanya.
"Tama na yan Sandra." Si Angelo?Papaano niya nalaman na nandito si Sandra?Tumingala naman si Sandra para makita si Angelo. Kitang kita ko pa rin yung bawat luha sa mga mata niya.
"O-oh?P-partner?B-bakit ka nandito?D-diba dapat nasa hospital ka ngayon?K-kailangan mong magpagaling..P-partner naman eh..M-magpagaling ka please? *sob* H-hindi k-ko kaya k-kapag nawala ka sa akin..P-please.." Tuloy tuloy na sabi ni Sanrda habang nakayakap sa bewang ni Angelo at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Tama na..Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Angelo.Halata naman sa mga mata niya na naiiyak siya.Ano ba kasi ang problema ng dalawang ito?
"S-sandali lang..A-angelo...d-diba hindi totoo yung n-nabasa ko sa notebook?D-diba?"-Sandra
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *