RHEA'S POV
Sabado ngayon. At next week na ang Prom Night namin.. Ano kaya ang isusuot ko? Excited na ako!!! Hihihi. Si JB naman walang inalok na maging partner,If I know si Lian lang ang gusto niya maging partner kaso wala na siyang magagawa nasa kulungan na yung Lian ngayon.. Pero sa ngayon,dadalawin ko muna si Kuya Nash. Hindi pa kasi siya nagigising eh. Atsaka kailangan niyang maka'attend sa Prom Night. Gusto ko rin siyang makasayaw eh.
Pero..
Paano ko ba sasabihin sakanya na patay na si daddy? Anong gagawin ko?
"Oh Rhea,saan ang lakad mo? May date ba kayo ni Kevin?" Tanong saakin ni Mommy na kakapasok lang dito sa kwarto ko.
"Mommy talaga. Wala po,dadalawin ko lang si Kuya Nash."
"Ahhh. Your stepbrother." Napansin ko naman na umiba yung expresyon niya.
"Bakit mommy?May problema ba?"
"Wala naman..Naisip ko lang kung ano ba ang itsura ng batang yun,kung kamukha ba siya ng daddy mo o ng mommy niya." She sighed.
"Kamukha po siya ni daddy.."
Tumingin naman sa akin si mommy at ngumiti.
"I'm glad to hear that. When he wake up,I want to meet him.. And also I wanna treat him like my son..Kahit na,sa ibang babae pa siya ng daddy mo nanggaling." Yes. Naikwento ko na rin kay mommy ang nangyari kay Kuya Nash.
"Mom. I have something to tell you.."
Humarap naman sa akin si mommy. Pansin ko yung pagtataka niya.
"What?"
"Bago mamatay si daddy Leo may pinapasabi nga pala siya para sa iyo."
"A-ano yun?"
"He said that he really loves you Mom. Divorced na po sila ng mommy ni Kuya Nash..Ikaw lang po ang mahal ni daddy."
Tumulo naman bigla ang mga luha ni Mommy. Nah. I don't want to see her crying. :(((( Kung di lang sana dahil sa lolo ni Kuya Nash hindi sana ganito ang pamilya namin. Sana magkasama pa rin si mommy at daddy ngayon. Sana di namatay si daddy. Sana di na naghiganti sila Lian at Sindy.
Gusto kong makilala ang lolo ni Kuya Nash.
"Mommy,wag ka nang umiyak." Pinunasan niya naman ang mga luha niya atsaka ngumiti sya saakin.
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *