KEVIN'S POV
"Dito ka matulog,doon nalang ako sa may couch." Sabi ko kay Rhea. Tumango naman din siya at humiga na agad. Halatang pagod eh. Ilang oras din kami namasyal at naglakad-lakad kaya ginabi na kami.
Humiga na rin ako sa may couch para matulog na,dahil bukas mamamasyal nanaman kami. :) Habang nakapikit ako may naramdaman naman akong lumapit sa akin.
"Ahhhhh! Multoooooo!" Napasigaw ako sa gulat.
"Excuse me! Lalagyan ko lang naman ng unan yang ulo mo!" Ay. Si Rhea lang pala. Ang gandang multo pala neto eh. Hahaha. Joke!
"Ahhh.Ganun ba."
"Hahaha. Takot ka sa multo? Bakla!" Tinaasan ko naman siya ng kilay,pero siya tawa pa rin tawa.Tumayo naman ako mula sa sahig at nilapitan siya.
"Oy.Sinong bakla?" Tanong ko.
"Ikaw.Hahahaha!" Aba! Sinusubukan ako ng babaeng to ah.Pwes! HAHAHAHA. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya pero siya panay ang ngiti. Nababaliw na ba 'tong babae na to? -____- Akala mo matapang,takot tin naman sa multo eh. Asus!
"Sinusubukan mo talaga ako ah?" Mas lalo kong nilapit ang mukha ko sakanya. Pansin ko naman na parang may tinitignan siya sa likod tapos takot na takot siya. W-wag niyong sabihin na may multo talaga dito?Waaaaaaaaaa!
"K-kevin...M-may.."May tinuro naman siya sa may likod ko. Unti-unti akong humarap sa likod pero nabigla naman ako dahil tinulak ako bigla ni Rhea.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA! Takot sa multo! HAHAHA." -______- Sige tawa pa.
"Ako?Takot? Sinasakyan ko lang kaya yang drama mo." Baliw na ata talaga.
"Weeh? Bakit pinagpapawisan ka kanina? HAHAHAHA!"
"Mainit eh..Oo yun nga. Mainit.."
"Aysus! Bahala ka nga. Hahahaha! Matutulog na ako. Goodnight!" Bumalik na siya ulit sa kama samantalang ako nakaupo lang. Hindi na tuloy ako makatulog. Haaaaaay.
Ilang minuto na akong nakaupo dito,pero di talaga ako dalawin ng antok. Tssssk! Lumapit ako kay Rhea at sinilip kung tulog na ba talaga siya. Pagsilip ko humarap siya bigla sa akin..Gising pa pala!
"Oh bakit?Natatakot ka noh? Parang ang lakas mo ako takutin nung pumunta tayo sa horror house noon tapos mas takot ka pa pala sa akin.HAHAHAHAHA!" Tawa pa rin siya ng tawa.
"Oo na!A-ano kasi..P-pwede ako tumabi sa iyo?" Nanlaki naman ang mga mata niya. Sabi na nga ba eh. Hmmm.
"No!" Sigaw niya.
"Ngayon lang naman eh. Kasalanan mo rin.. Sige na.. Wala naman akong gagawin na masama sa iyo. At isa pa gabing-gabi na kailangan ko ng matulog baka mawalan pa ako ng gana bukas eh,at kasalanan mo rin." Makonsensya ka! Makonsensya ka! Bwahahaha!
YOU ARE READING
Dating the Heartthrob (REVISING)
RomanceUPDATE: I will be deleting this story soon here in wattpad. This story will be posted on Dreame Application * do not read yet - revising - changing the plot of the story *