Chapter 28- The notebook

11.4K 214 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hello! This chapter ay tungkol pa rin kayla Angelo at Sandra. Hehehe =))

SANDRA'S POV

Hawak hawak ko ngayon yung notebook habang naghihintay sa labas ng E.R..

Ano kaya ang nasa loob nito?Bubuksan ko na sana kaso bigla dumating si Matthew. Bakit ba sa tuwing may nangyayaring masama kay Angelo lagi nalang nandito si Matthew??

"Sandra..Kamusta na si Angelo?"

"Ayun..Inatake nanaman. Tsss."

"Wag ka mag-alala..Magiging okay din ang lahat.." Tumingin ako sa kanya na may pagtataka.

"Matthew,can I ask you?"

"Sure."

"May alam ka ba?"

Napailing siya saglit saka tumingin sa akin at ngumiti.. "Wala..Ano naman ang alam ko?"

"uhm..Wala,wala."

Nilagay ko sa tabi yung notebook..Maya-maya pa ay dumating na yung doctor ni Angelo. Tss

"Doc,kamusta na po si Angelo?Huwag mong sabihin na overfatigued nanaman?" Tinaasan ko siya ng kilay..Hindi siya nakapagsalita sapagkat tinanggal niya lang yung eyeglasses niya.

"Ililipat lang muna namin siya sa kanyang Private Room..Sige." Pagkatapos nun umalis na siya.Nakakainis talaga! Tsssss.

Ilang minuto ang nakalipas dinalaw na namin ni Matthew si Angelo sa kanyang Private Room.. Nakita kong nakahiga si Angelo at masyadong maputla. Ano na kaya ang nangyayari sa kanya? :(

"Matthew,bakit napaka putla niya?Hindi naman siya ganyan kanina ah?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko rin alam Sandra." Sagot nito.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan ang kalagayan ni Angelo.. Nagdududa na talaga ako.

Di kaya may mas matinding sakit si Angelo?WAG NAMAN SANA.

Pansin ko naman na gumalaw na si Angelo.. Pansin ko sa mga mata niya ang paghihirap..Bigla naman siyang tumingin kay Matthew at ngumiti.

Magkakilala sila?

"Sige..Maiwan ko muna kayong dalawa,kailangan niyong mag-usap.." Sabi ni Matthew pagkatapos ay lumabas na siya sa room.

Tinignan ko naman ng maigi si Angelo..Bakit parang may kakaiba sa kanya?

"Partner.." Tawag niya sa akin.

"Ano yun?"

"Alam kong nasa iyo ang notebook.."

"N-notebook?"

"Oo..May sasabihin lang sana ako..Sana sundin mo.."

Kinabahan naman ako bigla. "A-ano yun?"

"Yung notebook..Kung pwede lang sana basahin mo yung nilalaman nun pagkatapos ang dalawang buwan.."

"Bakit mo ba sinasabi ang mga ito Partner?"

"Wala lang.. Ayoko kasi makita kang malungkot pagdating ng panahon.."

"P-partner..A-ano ba ang ibig mong sabihin?? Naiiyak na tanong ko. May bumabagabag sa isipan ko. At talagang nag dududa na talaga ako..

"Basta.. Nandito lang ako sa tabi mo partner ha?Habang may natitira pang oras lumapit ka lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong." Pansin ko na man na parang naiiyak siya.Agad naman tumulo luha ko. Niyakap ko siya and he hugged me back.

He kissed me in my forehead "Mahal kita Partner." he said. Agad naman bumilis yung tibok ng puso ko.. Ito ang unang beses na sinabihan niya ako ng ganun.Dahil dun mas lalong humigpit yung yakap ko sa kanya.

~

After that I went home at dumeretso ako sa kwarto ko..

Humiga ako agad sa kama ko at kinuha yung notebook..

Ano kaya ang naka sulat sa loob nito?

Pagkatapos ng dalawang buwan??

Sige maghihintay ako..

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now