Chapter 47-His side

11.1K 179 10
                                    

RHEA'S POV

Dalawang araw nalang Fieldtrip na namin.. Medjo nakapag'ready na ako. Hihihi. :)) Excited lang talaga! HAHAHAHA. Nakapag'paalam na rin ako kay mommy Elise pati kina kuya.

Siya nga pala. Hindi na si Kevin ang magiging ka-duet ko sa Gradball and Graduation,sinabi niya kasi doon sa guro namin na magki'QUIT na siya. Tanggap ko naman eh,ilang araw na din kasi kami hindi nagpapansinan,lagi lang siyang mag-isa.. Kahit si Sindy hindi niya na rin pinapansin..Hindi ko rin alam kung bakit..Pero sa totoo lang..

Miss na miss ko na si Kevin. =((

Simula nung time na sinundo ako ni Kuya Nash,siya rin ang laging naghahatid sa akin dahil hindi naman din ako sinusundo nung tatlong monggoloid. Siya na ang hatid at sundo ko.

Nasa tapat na ako ng bahay habang hinihintay si Kuya Nash,maya-maya pa ay dumating na siya.Pinaangkas na niya ako katulad ng pinapagawa niya sa akin araw-araw.

Habang nag da-drive siya,nag-uusap din kami..

"Uhm.Rhea,galit ka pa rin ba kay daddy Leo?" Tanong niya.

"Di ko alam." Matipid ko lang na sagot.

"Kailan kaya tayo magsasama-sama?Kahit na iba yung nanay ko..Sana magkakasama-sama tayo balang-araw,yung wala ng galit sa isa't-isa at lahat magka'ayos na." Tuloy-tuloy niyang sabi.Halata ko naman na ngumingiti siya.

"Imposibleng mangyari yun." Tanging sagot ko. Pagkatapos kong sabihin yun ay di na siya umimik pa. Habang nagda'drive siya nahagip naman ng mata ko si Kevin sa kabilang kalye malapit sa school namin. Kasama niya nanaman yung mga lalaki nung isang araw.

"Kuya,dito mo nalang ako ibaba." Sambit ko.

"Huh?Bakit naman?"

"M-may dadaanan pa ako eh."

"Sasamahan nalang kita kung ganun.."

"Hindi na..Kaya ko na ang sarili ko.Mauna ka nalang,baka malate ka pa.."

"Sigurado ka?" Tumango naman ako.Pagkatapos nun ay umalis na siya papuntang school.Bago ako naglakad ay hinintay ko munang makalayo si Kuya Nash.. After nun ay naglakad na ako papunta doon sa kanto para silipin si Kevin. Nakikipag-usap pa rin siya doon sa mga lalaki. Maya-maya pa ay umalis na sila,hindi ko alam kung saan sila pupunta.

Kaya sinundan ko sila.. Nakita ko na nasa tapat sila ng isang abundunadong gusali. Medjo di ako comfortable sa lugar ko kaya nagtago ako sa isang poste malapit sa kanila,mula dito rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"GAGO! Bakit di mo ginawa?!"  Sigaw nung isang lalaki.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now