CHAPTER 41

202 8 0
                                    

Ivan's point of view.
LONG UD.







"Pare, gago!"

Literal na mura ko bago pa bagsak na umupo sa tabi ni Lester at hinawakan ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong ngumiti habang hawak hawak ang labi ko. Shit! Hindi pwede, ano 'yon? Love at first sight?

"Anong nangyari sa 'yo? Akala ko ba umuwi ka na?" Kunot noong tanong ni Joshua saakin habang nagsasalin ng alak sa baso niya.

"May kilala ba kayong singkit na maputi? 5'3 ang height gano'n! May dimples. Tapos naka ripped jeans siya, kulay black 'yung top niya! May kulay 'yung bu-- ah basta! Ano? May kilala ba kayo?" I asked them.


Joshua, Lester, Ken and Gio raised a brow on me. Akala ata nila weird ako but I am not dahil kanina pauwi na ako dapat kaso may nakita akong babae na nakasandal sa kotse ko, gusto ko nga magalit sa ginawa niya dahil kaka car wash lang no'n pero mukhang may problema, umiiyak habang may kausap sa cellphone. We had a small talks, then boom! She kissed me. She stole a kiss from me.




"Wow, Jidaro Iverson Zanmei! Hindi ko naman alam na nag bago na pala ang taste mo sa isang babae, ha!" Biro ni Kenneth. Sinamaan ko siya ng tingin, akala niya palagi ako nakikipag biruan. "Biro lang! Wala akong kilala. Bakit? Anong meron?"


"Dude, 'di ba sinabi ko sa inyo na uuwi na 'ko?" I asked them. They all nodded, "pagka labas ko ng club ni Ken! Nakita ko may babaeng naka lean sa car ko at mukhang problemado kaya dinamayan ko muna tapos puta... bigla na lang ako hinalikan!"



"Oh shit!" Joshua covered his mouth. "Tapang, ah. E, 'yung isa ngang kandita sa binibining pilipinas na nireto ko sa 'yo hindi ka mahalikan tapos siya...dude, I would love to meet that woman!"



Inirapan ko siya bago ko nilingon si Lester. Kung hindi sana siya tumawag kanina ay mas matagal ko p sana matitigan 'yung babae kanina! Naalala ko nanaman ang pag halik niya saakin, hindi ko alam na naka ngiti na pala ako habang inaalala 'yon.




"Ano daw pangalan? Hindi mo ba nakuha? Baka type ka kaya ka hinalikan!" Gio said before crossing his arms while holding a shot glass.



"Hindi, e. Ayaw sabihin! Secret daw ang name niya! Joker siya 'no?" I laughed before shooking my head. "Hindi niya din ata ako kilala. Half korean raw siya, e. Mukhang kakabalik lang dito sa Pilipinas!"



"Gago. Huwag mong sabihin na tinamaan ka na doon? Sa isang simpleng halik lang natamaan kana sa kanya?" Joshua asked, laughing. "Ayaw mo ba doon sa nireto ko sa 'yo na candidate ng binibing pilipinas? Maganda naman 'yon. Matalino! Matang--"



"Daldal mo! Ayoko nga sa kanya!" Inis na putol ko sa sinasabi niya. "I'm attracted to that woman who kissed me."


"Eww!" Pinagtawanan ako ni Lester.




Nanatili ulit ako sa club ni Kenneth pero hindi na 'ko uminom, may trabaho pa ako bukas. Naalala ko nanaman 'yung babae kanina. Hindi na ata siya matatanggal sa isip ko, she likes my lips daw! Sino banaman hindi magugustuhan labi ko? E, halos lahat gusto makanakaw din ng halik saakin.














Habang nasa loob kami ng restaurant dito sa Tagaytay ay bored na bored ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa 'ko dito, ngayon kasi makikilala ni Akeisha 'yung future boyfriend niya kuno. Tsk! Kawawa naman si Drex, mukhang mauunapahan pa ng koreano.


Dapat talaga hindi nalang ako sumama kung hindi ko lang mahal 'tong kapatid ko ay hindi talaga ako sasama. Mas gustuhin ko nalang magpahinga kaysa makipag plastikan dito. Nakaka sawa!


Since We Met That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon