"Now, who's the cry baby between us?" Kiko teased me.
Hindi ko na lang siya tinugon. I'm still crying while looking at the ring at my finger. The ring is so beautiful and really looked so expensive! I think the ring is 2 carat diamond. Hindi ko alam dahil hindi naman ako mahilig bumili ng mga ganitong ka-mahal na accessories.
"Tapos na, Ange, bakit ba umiiyak ka pa rin?" Miggy asked, confused. "Napilitan ka lang ba umu-oo? Hayaan mo, friends naman kami ni Minjae sabihin ko sa kaniya na sumulpot siya sa kasal niyo para i-tigil iyon."
"Bumalik kana nga ng Pilipinas!" Inis na singhal ni Ivan.
"I'm just... happy! I'm happy that's why I'm crying! I still can't believe that Ivan proposed to me!" I wiped my tears before looking at my parents. "I'm getting married!"
"I'm so happy for you, Nayoung! Sa wakas at magkaka apo na rin ako sa 'yo!" Mom smiled at me.
"Mom!" Umiling ako ng pag ulit ulit.
"Ilan po ba gusto niyong apo?" Nakisabay na rin si Ivan. Bakit ba nila 'to pinag uusapan? Nakakahiya!
"Kung hanggang saan kaya ni Nayoung," dad laughed.
"Ay! Tito, don't undertismate the power of your daughter baka bigyan kayo niyan ng mahigit sampung apo!" Biro ni Joshua which made us laughed.
"Congrats, Ivan and Angelica!" Bati saamin ni Chris. Hindi ko alam na andito pala sila ni Pamela including their manager.
Masaya naman ako dahil masaya sila para saamin lalo na 'yung manager nila Ivan! 'Yung ceo naman ng kompanya kung saan naka sign 'yung We As One ay alam rin ang tungkol dito. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon! Hindi pa rin ako makapaniwala! Ivan is always full of surprise.
Nagkuhanan lang kami ng litrato bago kami dumaretyo roon sa bahay! Aeri throw a engagement party to me and also birthday salubong! Alam rin pala ni Aeri ang tungkol dito sa engagement na 'to mukhang ako lang talaga ang may hindi alam.
"Happy birthday, love!" Hinalikan ako ni Ivan sa noo matapos kung i-blow 'yung cake.
Niyakap ko si Ivan ng mahigpit bago kami nag simula mag inuman. Kaunti lang ininom ni Kiko at Princess bago sila umuwi kasama ang parents ko, hindi pwede magpaka lasing ang dalawa dahil sa anak nila. Si Arabella at Miggy naman ay kanina pa nagtatalo, ayaw pa inumin ni Miggy si Arabella ng alak dahil masama raw iyon sa baby.
"Hindi nga ako buntis!" Singhal ni Arabella.
"Sige," Miggy nodded.
"Anong sige?" Kunot noong tanong ni Ara.
"Sige uminom ka basta mag pregnancy test ka muna!" Miggy answered. Kitang kita ko kung paano mapa irap si Arabella dahil sa sinabi ni Miggy.
Wala atang araw na hindi sila nag talo kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan nilang dalawa pero hindi din naman nila matiis ang isa't isa kaya nagbabati rin agad. Nakipag kwentuhan lang ako sa ka-banda ni Ivan na si Pamela at 'yung manager nila.
I looked at Ivan, pulang pula nanaman siya dahil siguro sa alak. He looked at me back before putting his hand on my waist, pinatong ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib bago niya hinalikan halikan iyon.

BINABASA MO ANG
Since We Met That Night
RomanceSINCE Octology #2 Nayoung Rodriquez o mas kilala bilang Angelica ay isang make up artist sa South Korea. She's independent, humble, selfless, and beautiful. Sa pagiging independent niya sa buhay ay maraming sumubok na ligawan o mahalin si Angelica...