CHAPTER 53

179 13 5
                                    



"Huwag mo nga turuan ng korean language ang anak ko. Ang epal mo talaga!" Reklamo saakin ni Kiko bago kinuha saakin si Jairus.




Napasimangot naman ako. Ayaw kasi ni Princess na maging first language ng anak  nila ni Kiko ay Hangul gusto nila ay tagalog. May ibang words na rin alam si Jairus puro tagalog 'yon. Nakakalad na rin siya pero natutumba minsan!






"Raehyuk, your words! Nayoung is still older than you. How dare you say swear words to your sister?" Salubong kilay na tanong ni dad sa kapatid ko.






Raehyuk just shookt his head and pinch Jairus cheeks before kissing it. Hindi ko pa nakikita na ganito ka saya si Kiko before! Magiisang taon na si Jairus sa susunod na linggo at balak rin nila umuwi ng Pilipinas sa susunod na buwan kapag naayos na nila ang papers ni Jairus.






"Hindi mo talaga kamukha anak mo, Kiko!" Mom teased while looking at Jairus. "Kamukha ng asawa mo, oh! He's so gorgeous."






"What do you mean by asawa?" Napairap si Kiko bago ibinigay kay Princess ang anak nila. "Kamukha ko nga 'yang si Jairus. He will also be model someday just like me because of how gorgeous he is."






"Yuck!" I laughed.








Nakipag kulitin muna kami sa kanila bago tumaas sila Princess, Kiko at Jairus roon sa kwarto nila para magpahinga. Ako naman ay nagpaalam na kay dad and mom na uuwi na ako sa bahay ko!






Habang nagdrdrive ako pauwi ng Seoul ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng paborito kung kape. Habang hinihintay ko ang order ko ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao, pinag uusapan lang naman nila ako. Ako raw 'yung girlfriend ni Minjae.






As if totoo na kami talaga ni Minjae. I just shookt my head bago ako bumalik sa kotse ko at pinaandar 'yon pauwi ng bahay ko. Traffic kaya naman binuksan ko 'yung radyo dito sa stereo ng kotse ko. Natigilan ako ng patugtugin nila ang kanta ng banda nila Ivan, ang latest song nila.







Isang taon na rin pala simula noong umalis ako ng Pilipinas. Sumabay saakin si Princess, mom and her nurse pauwi rito sa Korea. Sumunod lang saamin si Kiko noong five months pregnant na si Princess. Kiko also quit as a model but still guesting in some fashion shows because his contract in Diamond Agency is still not yet finish.







Andaming nag bago simula noong maka alis ako ng Pilipinas. Nagkaroon ako ng building ng cosmetic ko roon sa Pilipinas. Mas mataas nga 'yung marketing sales ng cosmetic ko sa Pilipinas kaysa dito sa Korea kaya naman mas malaki 'yung building na andoon kaysa dito. Umuwi ako ng Pilipinas, four months ago for photoshoot para sa billboard. Dalawang araw lang ako roon bago ako bumalik ulit dito.







Simula nang ma confirm ang relasyon namin ni Minjae ay nawala rin agad ang issue na 'yon, bumaba ang sales ko kaya ginawa ko ang lahat para bumalik ulit. Nagpa open for re-sellers na rin kami. Maraming nagsasabi na dapat mag focus ako sa Pilipinas dahil iyon raw ang pinaka malaki kung marketing sales.







Nang makarating ako sa bahay ay pinagbuksan ako ni Aeri ng gate para ma park ko ang kotse. Nakipag kwentuhan muna ako sa kaniya bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko at nagpa hinga.







Marami akong balita na natatanggap kay Ivan dahil sa kapatid niya. Palagi kami nagkaka mustahan ni Akeisha tuwing nagkakaroon kami ng time minsan ay minemessage ako ni Jermaine sa Instagram hanggang sa mapunta ang usapan namin sa kuya niya. Dalaga na si Jermaine, marunong na gumamit ng mga social media accounts, sabagay she's thirteen years old na.







Since We Met That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon