06. SECRETS THAT HAUNT
NANG MAIBANGGIT NI Kim ang pangyayaring iyon, kung saan inamin niya mismo kay Audrey ang sikreto niya ay kinabahan si Jezzel. Alam ni Jezzel na hindi pa handa si Kim na sabihin ang sikreto niya, maging si Maricar ay parang takot na takot pa rin. Hindi niya masisisi ang mga kaibigan niya. Kahit siya ay hindi rin nag-sasalita. Walang dapat makaalam ng sikreto niya. At isa pa, hindi na siya ganoong tao. Magaling na siya, at hindi na siya babalik sa ganoon.
"Pa'no yan ngayon? Makukulong na ba tayo?" Ramdam ni Jezzel ang lungkot sa boses ni Kim sa tanong niya.
"Shut up Kim! Hindi yan mangyayari. Hindi ako papayag na makulong tayo." Tugon naman ni Maricar habang nakatingin lamang ng diretso na para bang may pinanghuhugutan siya ng lakas.
"Naalala niyo yung sinabi ni Gio bago siya namatay?" Tanong ni Jezz. Kinalimutan na niya ang pangyayaring iyon dahil masyado siyang natakot sa mga sinabi ni Gio.
"Jezz, ano bang connection 'nun sa problema natin?" Tanong naman ni Maricar.
"Hindi ko alam pero parang konektado iyon sa problema natin. Sa pagkamatay ni Gio." Tugon naman ni Jezz.
"Guys, anong gagawin natin. Masamang masama na ang image natin sa lahat ng tao. Lalong lalo na ngayong nawawala ang bangkay ni Gio." Sagot ni Kim na biglang nakapagpatahimik sa lahat. Tila biglang lumamig ang paligid.
"The lawyer just texted me," Sagot ni Maricar. "She said she's meeting us today, at lunch."
"It's 12! Pumunta nalang tayo sa Cafè Brasso. Nando'n na siguro ang lawyer." Suhestiyon ni Jezzel. Kinuha niya ang bag niya at tumayo.
"Guys," Natigilan sina Maricar at Jezzel nang mag-salita si Kim. "Nashoshort ako sa money eh. K-Kayo nalang. I-I can go home naman." Dugtong nito habang nakayuko lamang.
"You sneaky little brat! Ginastos mo naman ang allowance mo?!" Natatawang tugon ni Maricar. "Don't worry, my treat."
"You sure? I'm starving. I can order the whole Cafe!" Tugon ni Jezz habang nakangiti.
"Mapera ako ngayon no? Kakakupit ko lang kay Mama." At isinilid ni Jezz ang magkabila niyang braso kay Maricar at Kim habang papunta sila sa sasakyan ni Maricar.
NAPANSIN NI JEZZEL na napakatahimik lamang ni Kim habang nasa biyahe.
"So, I was talking about this skirt. It's a pink neon skirt sa Ramcey's at Limited Edition! You should have that Mar!" Sigaw ni Jezz habang tinapik ang balikat ni Maricar habang siya'y nagmamaneho.
Biglang tumahimik ang paligid.
"What's the matter?" Tanong ni Jezz. "May nasabi ba akong mali?"
Tumingin lang ng diretso si Maricar sa daan habang parang may malalim na iniisip.
"No, may naalala lang ako." Tugon naman nito at mas binilisan ang takbo.
"Hey Kim! Magsalita ka naman diyan!" Sagot ni Jezzel habang tinitingnan ang kaibigan mula sa rearview mirror. "May problema ba?"
"Ah wala." Nahihiya nitong tugon.
Ilang minuto ring nakaupo si Jezz sa passenger's seat ng kotse ni Maricar at ninanamnam ang katahimikan ng biyahe nang makarating sila sa Davory Mall.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...