23. SLEIGHT OF HAND
MATAPOS ANG PAGKIKITA NI JEZZEL kina Kim at Maricar ay agad siyang umuwi sakanila. Nag-dala na rin siya ng take out dahil hindi niya alam kung ano ang mga nakahalo sa kakainin niya mamayang dinner. Tumingin siya sa relo niya.
6:36 PM.
Matapos ang pag-uusap nila nina Maricar ay napag-alaman niyang may nakitang larawan si Maricar sa desk ni Jimenez na kasama nito si Samara. Muli niya tuloy naalala ang funeral ni Gio. Si Samara ang huling taong nakausap ni Jimenez bago sila inimbitahan nito sa presinto.
Ring. Napabalikwas siya dahil tumunog ang cellphone niya.
Kim G.
"Hello?" Tanong niya kay Kim.
"Jezz, can we trust Maricar?!" Nag-mamadali nitong sagot na parang kakapusin na ito sa hininga. Napagkasunduan kasi nilang dalawa na huwag munang sabihin kay Maricar ang nadiskubre nila sa Davory Pines Sanitarium.
"Kim, masamang mag-bintang." Tugon niya kay Kim. "And she's our friend. She's Gio's ex-girlfriend. We know na minahal niya si Gio."
"JEZZEL IMPERIAL, SI MARICAR NA MISMO ANG NAG-SABING MAY HINALA SIYANG MAY BABAE SI GIO. ISN'T THAT ENOUGH REASON TO KILL A PERSON?!" Inilayo ni Jezz ang kanyang cellphone sa kanyang tenga dahil pakiramdam niyang dudugo na ang tenga niya sa malakas na boses ni Kim.
"Jezz?" Natigilan siya nang makarinig ng katok mula sa kanyang kwarto.
Tinakpan niya ang ibabang parte ng kanyang cellphone at bumulong kay Kim. "Gotta go, mom's at my door." At agad niyang pinatay ang kanyang cellphone.
"Ma?" Buong ngiti niya nang pag-buksan niya ang ina niyang pinto.
"Jezz, may nawawala raw na envelope sa filing cabinet ng papa mo. Nakita mo ba?" Tanong ng kanyang ina.
Agad siyang napakamot ng ulo niya at bigla niyang napagtantong bad move. Madali siyang mapagkakamalang nag-sisinungaling. "Uhm, no... Wala akong nakitang envelope?"
"Jezz, sinabi ko na ba ang itsura ng envelope?" Tanong muli ng kanyang ina. Pakshet! Talagang nahuli na siya nito. "Jezzel. Mag-sabi ka ng totoo. Do you have it?"
Agad siyang napailing.
"Then let me search your room." Pasimple nitong sagot at akmang papasok nang harangan niya ito.
"Ma, I have this huge test bukas sa French class ko. Kailangan ko talagang mag-study." Tugon niya habang dinadalangin na mag-bago ang isip nito dahil ang envelope na tinutukoy ng mama niya ay nakatago lamang sa school bag niya.
"Ok lang. I would be silent while looking at your things." Muli nitong tinangkang pumasok ngunit nabigla na lamang silang dalawa nang mag-salita ang kapatid niyang si Mae sa likuran ng kanyang ina.
"She doesn't have it." Nabigla siya sa sinagot ng kanyang kapatid. Hindi siya makapaniwala kung totoo ba ang naririnig niya rito. Pinagtatanggol ba siya ng kapatid niya?
"How can you say that?" Tanong ng ina niya at humarap kay Mae.
Agad niyang sinabihan ng 'Thank you' si Mae.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystère / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...