25. MY FACE ON THE BILL
NANG MAKAPASOK SINA KIM at Jezz sa Davory Pine's Sanitarium for the Insane, ay biglang kinabahan si Kim. Nagkakagulo ang lahat ng mga nurse. Nagtatakbuhan ang iba na parang natataranta ang mga ito.
Sinuyo ng mga mata niya si Robbie na karaniwang nakikita sa front desk ngunit wala na ito ngayon doon. Wala ng tao sa front desk kundi ang lumang computer na lamang.
Dahan-dahang niyang nararamdaman na itunutulak siya ni Jezz sa isang room.
Staff Room.
Binigyan niya ng tingin si Jezz na parang tinatanong niya anong ginagawa nila rito.
"Act like you're one of them." Bulong nito sakanya.
"Hay, mahabang araw na naman. Ano kaya ang room ko ngayon?!" Biglang sambit ni Jezz na siyang ikinagulat ni Kim. Hindi niya inaasahang napaniwala siya nitong isa ito sa mga nagmamaktol na nurse. "Teh, anong nangyayari? Ba't ang gulo?" Tanong nito sa isang babaeng naka nurse outfit.
"May nakawala kasing pasiyente." Tugon ng babae.
"Malala ba?" Tanong ni Kim. Hindi napigilang matakot. Kung may nakawalang baliw sa ospital ay malamang nasa panganib ang buhay nilang dalawa. "I mean, yung sayad?"
"Hindi naman. Isa lang itong patient na di matanggap na nasa DPS na siya. Bale may deppression siya and mild aggression kaya nga di dapat siya magalit. Baka anong magawa nu'n." Pag-aalalang sambit ng babae. Doon na kinabahan si Kim. Sinenyasan na niya si Jezz na umalis na sila para hindi sila masali sa gulo.
"Wait, may kailangan lang akong gawin." Bulong ni Jezz. At kinuha niya ang cellphone niya at umarteng nagugulat. "BUNTIS ANG ATE KO!? AT NGAYON SIYA IPAPANGANAK! EMERGENCY RAW?!"
"What?!" Gulat na tugon ng babae. "Pumunta ka na du'n. It's not like they're gonna need more female nurses right now."
"Wait, text me kung ano ng nangyari ha?" Tanong ni Jezz at isinulat niya ang kanyang number sa isang papel.
"Sure! Bye Jezz!" Sagot ng babae. "I'm Trixie by the way."
NANG MAKALABAS SI KIM AT SI JEZZ sa Staff Room ay muling nakita ni Kim ang nagkakagulong mga nurses. Halos lalaking mga nurse ang nag-tatakbuhan at parang nasa isang egg hunt tuwing Easter Sunday. Sinusuyo ng mga ito ang buong paligid, pati ang ilalim ng mga mesa at loob ng refrigerator ay hindi pinalampas ng mga nurse.
"C'mere." Naramdaman ni Kim ang pag-higit ni Jezz sakanyang braso. Hinila siya nito sa madilim na parte ng mental hospital at nakita niya sa dulo nito ang isang hagdanan.
"Jezzel Imperial, coming here is big trouble. Going up will be a disaster!" Saway niya rito at pinigilan si Jezz sa pag-akyat.
"Look, wala na tayong choice. Do you really want to spend your lives in jail?! The cops are just looking for enough evidence to pin Gio's death on us. And besides, do you wanna know what Maricar's up to?" Pag-papaliwanag nito sakanya. Agad naman siyang natauhan at napag-isipang kailangan nilang kumuha ng mga sagot.
Bago pa man sila makatapak sa unang palapag ng hagdan ay may narinig silang magaspang na boses na nakapagpatigil sakanila.
"HOY!" Sigaw nito. Dahan-dahan silang lumapit at may nakita silang isang matipunong lalaking nakahawak sa bewang nito. "BAWAL KAYO DIYAN."

BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...