14. LIBRARIAN TERROR
"PLEASE DON'T PANIC." Iyon lamang ang mga salitang naibanggit ni Jezz habang pinapakalma si Maricar. Hindi niya kasi alam kung paano pakalmahin ang isang taong ninakawan ng bank savings nito. Pansin naman niyang napakatahimik ni Kim. Siniko niya ito at pinandilatan niya.
Agad naman itong natauhan at nag-salita. "Mar, please... Ma-Magagawan n-natin i-ito ng... C-calm d-down..." Nauutal nitong tugon. Napansin ni Jezz ang kaba nito habang pilit pinapakalma ang kaibigan. Hindi naman niya ito masisisi dahil kahit siya ay kinakabahan para sa kaibigan.
"I'll pay." Sambit ni Jezz kaya inabutan niya ng tatlong libo si Mark. Panandaliang kumalma si Maricar nang umalis si Mark. Umupo ito habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
"I-I think I-I'm gonna go home." Sambit nito at kinuha nito ang bag nito at umalis na ng Davory Mall.
Napatingin si Jezz kay Kim, wala na silang ibang gagawin kundi sumakay ng taxi papunta ng Davory University dahil umalis na si Maricar kasama ang kotse nito.
Habang pababa ng escalator ay napatingin si Jezz kay Kim. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin kay Kim ang nalalaman niya o itatago nalang niya mula sa kaibigan? Alam niyang masasaktan si Kim kapag sinabi niya ito sakanya kaya naisip niyang ililihim nalang muna niya ito sakanya.
"Kim?" Tawag niya rito.
"Hmm?" Tugon nito.
"Kamusta kayo ni John?" Tanong niya.
"Uhm... We're... OK. Yeah, we're cool. Although hindi ko na siya gaano nakikita sa resort..." Tugon ni Kim.
"Resort?" Bigla niyang tanong.
"Resort?! Did I say resort?! Uhmm... Eh... Yeah, member kasi ako ng resort nina Gio. 'Ya know, play golf, swimming, drinking vodkas. Ganu'n!"
"Really?! Me too! I go there every weekends to practice swimming! We can go there together this weekend." Sabik niyang sagot kay Kim. Hindi niya aakalaing loyal customer rin pala ng Villa Briones si Kim. Pwede silang mag-sunbathing sa pool, drink vodka in the afternoon at mag-night swimming doon every weekend. Sa ganu'n, di na siya malulungkot na pumunta roon tuwing weekend dahil wala siyang kasama.
"Really?!" Gulat na sambit ni Kim. "Ba't hindi kita nakikita do'n?"
"I don't usually go there anymore." Tugon niya kay Kim. Sasabihin ba niya? Handa ba siyang sabihin sa kaibigan niya kung anong pinagkakaabalahan niya tuwing Sabado? Napailing siya. Ang huling sinabihan niya ng sikreto niya ay si Josephine at hindi naging magabda ang nangyari kaya naisip niyang hindi pa niya kayang maging honest na kaibigan ngayon. "But if you go there this Saturday, I'll go there!"
"I'm not free..." Bumaba ito ng tingin bago tumingin sakanya. "Gotta run. May pasok pa ako."
DINALA SI JEZZEL ng paa niya sa library ng Davory University. Hindi niya alam kung ba't siya do'n dinala ng paa niya dahil bihira naman siyang pumunta sa library dahil kadalasan ay sa lobby naman siya nag-babasa ng libro. Tumingin siya sa relo niya.
3:28 PM. May isang oras at dalawang minuto pa siya bago ang sunod niyang klase.
Umupo siya sa isang malambot na upuan ng library at kumuha ng isang libro. Hindi na niya tiningnan ang title nito dahil hindi rin naman niya ito babasahin. Narito lamang siya para magpalipas ng oras.
Tila nag-daan ang oras at di niya namalayang ito pala ang unang lugar kung sa'n niya nakilala si Josephine. Kusang bumalik sa alaala niya ang kanilang unang pagkikita.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...