03. Funeral Drama

76 2 2
                                    

                03. FUNERAL DRAMA


                PAG-SAPIT NG ALAS-DOSE ng umaga sa araw ng Linggo ay nag-handa na si Jezzel Imperial sa kanyang isusuot. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napangiti siya. Perpekto ang ayos niya para seryosohin siya ng kanyang mga magulang. Alam niyang isa rin ito sa mga perpektong tanghaliang kanyang dadaluhan dahil ito ang araw kung saan sasabihin na niya sa kanyang mga magulang na nakatanggap siya ng half scholarship from Davory University.

                Masusi niyang nilagyan ng light shade of lipstick ang kanyang malambot na labi at pinatungan ito ng lip gloss upang hindi mag-mukhang tuyo ang labi niya. Isinuot niya ang pearl necklace na regalo sa kanya ng kanyang ama nang naging Champion siya sa Science Fare nila noong 4th year highschool siya. Pinaliguan niya ang sarili ng mild Chanel perfume na paboritong paborito ng Mama niya. Kinuha niya ang red pouch niya at isinuot ang 3-inch heels at bumaba ng hagdan.

                Habang pababa siya sa hagdan ay hindi niya mapigilang mapangiti. Sa ilang taong nakaraan ay wala siyang narinig sa mga magulang niya kundi galit dahil wala siyang ginawang matino. Buong buhay niyang sinikap maging number 1. Buong buhay niyang sinikap maging champion ngunit parang binalewala lamang siya ng tadhana at sinabing, 'Pangalawa lamang ang aking maibibigay sa'yo.' na maituturing na masakit kung ikaw ay isa sa mga Imperial.

                Nang maabot niya ang paanan ng marble-tiled stairs ng kanilang tahanan ay nakita niyang nakaupo lamang ang pamilya niya at nakatingin sa kanya. Pareho itong nakasuot ng itim at nakita niya ang bunso niyang kapatid na si Mae sa gilid na nakangiti?

                "Ma, Pa, what are you doing? Malelate na tayo for Lunch. You told me I should make a reservation at exactly 12:30 AM." Matapang niyang sagot ngunit hindi niya mapigilang kabahan sa tahimik at blankong ekspresyon ng mga magulang niya. Hindi rin nakatulong sa kaba niya ang mga lihim na ngiti ng kapatid niyang si Mae. Natitiyak niyang may binabalak na naman ito upang magkaroon siya ng masamang imahe sa perpekto niyang mga magulang.

                "Jezz," Sagot ni Mrs. Imperial. Kahit malungkot at hindi ito tiyak sa sasabihin nito'y naroon pa rin ang maamo at maalagang mukha ng kanyang ina. Sa edad nitong kuwarenta ay hindi pa rin kumukupas ang makinis nitong balat.

                "Rita, ano ba? Are we ready to tell her the truth? Hindi... Hindi, ngayon." Saway ni Mr. Imperial sa asawa nito.

                "Anong ibig niyong sabihin? And why are you all wearing black?" Tanong niya. Kinakabahan siya sa isasagot ng mga magulang niya. Alam ba nila ang tungkol kay Gio?

                Nang imbitahan sila sa presinto ni Inspector Jimenez ay tinawagan din ng pulis ang kanilang mga magulang. Noong hiningi na ni Inspector Jimenez ang number ng kanyang mga magulang, sinabi niyang nasa ibang bansa ito at ayaw madistorbo. Napangiti naman siya nang hindi inaakalang naniwala si Jimenez sa dahilan niya. Ngunit sa mukha ng kanyang mga magulang ngayon, hindi niya makumbinse ang sarili niyang maayos ang lahat.

                "Ma, answer me. Anong gusto niyong sabihin?"

                Kahit sa makinis at maputing mukha ni Mrs. Imperial ay hindi pa rin nito maitago ang lungkot nito. Napabuntong hininga ang kanyang ina at nag-wikang, "Pupunta tayo sa burol ni Gio Briones."

                NANG MAKARATING SI Jezzel sa bahay ng mga Briones ay hindi na niya maalala kung ano ang itsura nito noong huli siyang mamalagi rito. Napansin niyang naroon pa rin ang malaking chandelier sa sala. Sa kanan ay ang mga larawan ni Gio noong naging MVP ito nang mag-laro ang Davory University laban sa Bridgeton High. Naroon din ang iba't ibang medalya at certificates ni Gio sa bawat panalo nito sa laro. Nang lumapit pa siya'y napansin niya ang nakangiting si Gio habang naka-akbay ito kay Maricar, si Maricar Reyes, ang kaibigan niya. Inilibot niya ang paningin niya sa iba't-ibang larawan at nakita ang batang larawan ni Gio habang ito'y tumatawa, may kasama itong babae. Maputi ang babae na may pink ribbon na nakasabit sa kulot nitong buhok. Hindi niya mapigilang maiyak.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon