01. Limited Edition to Prison

122 6 2
                                    

                01. LIMITED EDITION TO PRISON 


MAKALIPAS ANG LIMANG ARAW...

               

                Isang tahimik na Sabado ang sumalubong kay Maricar. Noong hapong iyon ay wala siyang ginawa kundi mag-mukmok sa kanyang kwarto. Muli siyang napahiga at napatitig sa bubong, lahat ng kanyang nakikita ay puro puti lamang dala ng kanyang dilaw na ilaw. Narinig niya ang katok sa pintuan ng kwarto niya. Tiningnan lang niya ito.

                "Maricar, hindi ka ba kakain?" Tiningnan lamang niya ang makinis na mukha ng kanyang ina. Suot suot nito ang paborito nitong pulang bestida at mga mamahaling alahas sa leeg nito.

                "What's the point? Makukulong din naman ako?!" Sigaw niya. Simula noong sabihin sakanya ni Inspector Ryan na silang tatlo ng mga kaibigan niya ay Person of Interest sa kaso ng nobyo niya'y hindi na siya makatulog. Ano na lamang ang magiging buhay niya kapag napagbintangan silang sila nga ang pumatay kay Gio. Hindi na siya makakapag-shopping? Hindi na niya malalaman ang pinakabagong fashion statement ng Vogue?

                "Maricar, pumunta ka sa Bible Study natin mamaya. 7PM." Narinig niya ang mahinang boses ng perpekto niyang ama. Amang sugo ng langit upang putulin ang mga sungay niya. Binuksan niya ang pintuan niya at nakitang papaalis na ito. Bumalik siya sa pag-kakahiga sa kama.

                Kring.

                Tiningnan niya iPhone niya habang umiilaw ito. Paulit ulit nitong pinapakita ang nakangiting larawan ni Kim. Kinuha niya ito at itinapat sa kanyang tenga.

                "Hey," Malamya niyang sagot.

                "Maricar! May nahanap na bang lawyer ang mama mo?! Paano na'to?! Makukulong ba tayo?!" Sigaw ni Kim sa kabilang linya. Kinailangang ilayo ni Maricar ang telepono niya sa kanang tenga niya dahil halos mabingi na siya sa matulis na boses ni Kim.

                "Shut up! Ang ingay mo! She's doing her best!" Sagot niya rito at pinindot ang END. Tinapon niya ito pintuan ng kwarto niya. Muli siyang humiga at tiningnan ang bubong nang narinig na naman niya ang nakakainis na tunog ng iPhone niya.

                "JUST GIVE ME A BREAK!!!" Sigaw niya. Bumaba siya sa malaking kama niya at pinulot ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalang Audrey Regencia sa screen ng kanyang cellphone.

                "Hello?" Tanong niya sa kabilang linya.

                "Maricar. I was just wondering kung pwede mo ba akong samahang mag-shopping?" Tanong nito. Sa katunayan, wala siyang kahit na anong planong lumabas ng bahay ngayon. Ayaw niyang makagawa ng kahit na anong mali na pwedeng mag-turo sa kanya na siya ang pumatay kay Gio.

                "May nakita akong pink skirt sa Ramcey's that would look good on you! Sige na! I'll drive..." Sagot ng malambing at malumanay na tinig ni Audrey na para bang musika sa kanyang tenga. Pink skirt sa Ramcey's? Kelan ba sila huling gumawa ng skirt? Kelan ba siya huling nag-shopping? Noong nakaraang linggo? At wala namang masamang mag-shopping kasama ang bago mong kaibigan diba?

                Huminga siya ng malalim at hinarap ang sarili sa malaking salamin bago sinabing, "I'll be ready in 5 mins."

                MALIWANAG ANG DAVORY MALL nang makarating sina Maricar at Audrey roon. Narinig ni Maricar napakasarap na simoy ng mababangong damit na nakadisplay sa mga botique na nadadaanan nila. May nakita siyang dalawang mag-bestfriend na nag-tatawanan habang tinitingnan ang isang gwapong lalaking kumakain ng ice cream. May nakita siyang mag-inang masayang nag-uusap habang may dala-dalang malalaking bag mula sa Ramcey's. Napatingin siyang muli sa babae at nag-tataka kung sa'n niya nabili ang black leather bag na karga karga nito.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon