27. VIP HOTEL
"SO YOU'RE SAYING na takot si Samara kay Gio?" Di makapaniwalang tugon ni Maricar nang maikwento ni Jezz ang kanyang mga nabasa sa email account ni Gio. "The killer is afraid of her subject???!!!"
"We're not sure about that," Tugon ni Jezz. "Nakita mo yung mukha ni Joane kanina? Na parang may--"
"May planong patayin tayo for looking for clues?!" Histerikal na sambit ni Kim.
"I was about to say na she's pissed and a little bitchy, Kim!" Saway ni Jezz.
Napaupo si Maricar sa kama ni Jezz. Hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa Ibanez. Lalong-lalo na kay Joane Ibanez, ang kapatid ni Josephine.
"You guys," Sambit ni Maricar. "What if Joane is taking revenge on us. For Josephine."
"Ugh, Mar. Napag-usapan na natin to diba?" Huminga ng malalim si Jezz bago muling nag-salita. "How can Joane know that we did that to Josephine?"
"Uhm, Yes." Nahihiyang tugon ni Kim. "I mean, after what we did... Bigla siyang nawala."
"NAWALA?!" Sigaw ni Maricar. "SHE'S MISSING, KIM?! PAANO KUNG DAHIL SA ATIN..."
"Mar, stop making conclusions!" Saway ni Jezz.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Jezz. Ipinagtatanggol ba nito si Joane? Si Joane Ibanez na inimbita sila sa birthday party nito."Wait, we're going to that party right?" Sambit niya. Kahit naman medyo naiinis siya kina Jezz at Kim ay kailangan niya ng kasama para sa birthday party ni Joane.
"I'm not sure." Sambit ni Jezz. "Gusto ko lang magpahinga sa bahay and hope that mahanap na ang may sala kay Gio."
"A-Ako rin, Mar." Tugon ni Kim. "Hindi dahil hindi kita gustong makasama. I really do pero gusto ko munang sulitin ang ating free days. You know, we're officially P.O.I."
"It's the only way to get back to the top! To be queen bees!" Pangungumbinse ni Maricar. "Look, we get close to Joane, we can spy on her? Kung gusto niyong malinis ang mga pangalan natin, we need to keep our enemies closer. Yun lang ang paraan!"
"Your plan sounds tempting, Mar." Pag-sang ayon ni Jezz. "Sasali ka, Kim?"
"Well, if it involves a dress, then I'm in!" Masayang tugon nito at umalis na sila sa bahay ni Jezz upang mamili ng mga damit.
Nang matapos ang kanilang pamimili ay kanya-kanya na silang pamamaalam sa isa't-isa dahil magkaiba na ang kani-kanilang mga klase. Pumunta na si Maricar sakanyang classroom, Room 209.
Nang maupo siya sa tabi ng hindi niya kilalang lalaki sa likuran ay siya ring pag-pasok ni Audrey at Samara. Inaasahan niyang mag-laho nalang dahil alam na alam niyang mapapansin na naman siya ng mga kayumangging mata ni Samara. At hindi nga siya nagkamali nang marinig niya ang nakakainis nitong boses.
"Maricar!" Bati nito at lahat ng mga mata'y nasa kanya. "You comming to the party?"
Ngumiti na lamang siya kay Samara. Isang pilit na ngiti. Ngayong alam na niya ang sikreto ni Samara ay hindi na siya matatakot rito. "Well of course, Sam. Girls will be there! A lot. You should come too. You like HANGING OUT with girls, right?"
Halos matawa siya ng makita ang takot at kinakabahang ekspresyon ni Samara.Napansin naman niya ang pag-ngiti ni Audrey at ang pag-kindat nito sakanya. Gosh, she missed her Audrey!
"Let's go, Audrey!" Sagot ni Samara at umalis ng room ngunit natigilan lamang siya nang hindi sumusunod si Audrey sakanya. May sasabihin pa sana ito ngunit agad nalang itong umalis, galit na galit.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...