19. Decision

25 2 0
                                    

                19. DECISION


NANG MAKALABAS SI Kim sa kwarto ni Maricar ay nag-alok si Jezz na ihatid na siya nito sa bahay niya. Agad siyang tumanggi dahil baka malaman nito ang sikreto niya. Hinintay muna niyang makaalis si Jezz at pumara siya ng jeep para makauwi na siya. May isang daan pa naman siyang pera dahil nang maaksidente si Maricar ay pinakain naman sila ng ina nito habang nag-hihintay sila ni Jezz sa waiting room.

Papasakay na sana siya ng jeep nang biglang may isang kotseng huminto sa tapat niya. Bumukas ang bintana nito at nabigla siya nang makita sina Rica at Christine Ginoo.

"Hey Kim. Wanna hop on?" Tanong ni Rica.

Tatanggi na sana siya ng hindi nang biglang sumabat si Christine. "C'mon Kim, we know it na!"

Agad napahigpit ang hawak niya sa mga librong karga niya nang sabihin iyon ni Christine. Agad siyang kinabahan at napatingin siya sa paligid kung may mga taong nakarinig sakanila ngunit dahil napakaingay ng gabi sa Davory Pines ay walang kahit na sino ang binibigyan sila ng pansin.

"A-Ang a-alin?" Naisip niyang pwede pa siyang makalusot kapag magpapanggap siyang walang alam.

"We know it na! Your father doesn't wanna buy you a car because of that Person of-" Natigilan si Christine nang pag-sasalita nang sapakin siya ni Rica.

"Ahh." Agad naman siyang nakahinga ng maluwag dahil iyon lang pala ang alam nila. Baka isa lang iyon sa milyun-milyong chismis na ipinagkakalat sakanila ni Samara. "I'm good. I can handle myself."

"Consider this as a token of our friendship." Panunuyo ni Rica.

Pwede siyang umoo at malalaman na nila ang sikreto niya. O pwede naman siyang tumanggi, ngunit mag-tatampo naman ang mga ito sakanya.

Napabuntong hininga muna siya at itinuon ang pagiging Audrey bago nag-salita. "I think I wanna prove my dad, I can do the commuting thing." Maarte niyang tugon. Lumakad siya palayo at lumingon sakanila. "Take off, bitches!"

HABANG NAGLALAKAD SI KIM sa kanilang kanto ay napapansin niyang may itim na kotseng sumusunod sakanya. Agad siyang kinabahan. Ito kaya ang taong nag-padala sakanya ng pera? Pera rin kaya iyon ni Maricar? Napatingin siyang muli sa likod at naroon pa rin ang itim na kotse. Tinted ang bintana kaya di niya natitinag ang taong nag-mamaneho. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag at tumingin sa paligid. Wala ng tao sa daan dahil alad onse na ng gabi. Malayo pa siya sa kanila. At kung tatakbuhin niya iyon ay baka atakihin siya ng kanyang hika.

Lumakas ang tunog ng kotse na tila bumubuwelo ng mabilis na pag-takbo. Doon na siya natakot at agad lumipad ang kanyang mga paa sa pag-takbo. Lumingon siya at nakitang bumilis na rin ang takbo ng kotse.

Ipinahid na lang niya ang namumuong luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Kinakabahan na siya. Malayo pa ang tatakbuhin niya at hindi niya alam kung kakayanin pa niya.

Nararamdaman niya na malapit na ang kotse sa kanya. Tagaktak na ang pawis niya. Sumisigaw na ang baga niya. Habol hininga siyang tumingin sa tabi niya at nakita ang kotse. Nakita niya ang taong kanina pa niya tinatakbuhan, si Mr. Danilo Briones.

HINDI INAASAHAN NI KIM na ang boss pala niyang si Mr. Danilo Briones pala ang sumunod sa kanya pauwi. Gusto niyang sumbatan itong wala itong karapatang sundan siya at bigyan siya ng sakit sa puso sa kalagitnaan ng gabi, ngunit naisip niyang masyado siyang bastos kung gagawin niya iyon.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon