07. DISPATCH MY DEATH
"YOU GUYS, IT'S starting again!" Panimula ni Maricar habang palakad lakad siya sa harapan ng kanyang King-sized bed.
"Oo nga. I have to agree with Mar this time. What are we going to do? Should we do that stuff again?" Tanong ni Kim. Kahit siya ay nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ilang gabi siyang di nakatulog habang iniisip ang nangyari noong gabing iyon.
"Guys, chill. We will never do that stuff again." Sagot ni Jezzel habang maiging tinitingnan ang bracelet na kanyang binili. "This thing really really looks familiar."
Tiningnan ni Kim ang bracelet ng maigi habang nag-iisip. Parang pamilyar nga ang mamahaling bracelet na hawak ni Jezz pero kanino?
"Wait, ano bang pangalan ng supplier niyan? May naklagay ba?" Tanong ni Kim kay Jezz.
"Uhmm, it's called Dispatch..." Tugon ni Jezz habang ipinapasada ang mga daliri sa kahon nito.
"Dispatch? Like kill someone?" Sigaw ni Maricar habang ngayo'y nakaupo sa may laptop niya at tinitingnan ang kanyang Facebook page.
"No. Dispatch also means to convey something to someone." Tugon ni Jezz. "Wait... Guys, I think you should see this."
Lumapit si Maricar kay Jezz habang bumunot ito ng isa pang bracelet na kapareho ng nabili niya.
"This was given to me by Mr. Briones nang mawala si Gio. Pag mamay-ari daw to ni Gio. Sinabi niyang baka gusto ko raw tong itago." Sagot ni Jezzel at biglang tumahimik ang paligid. Ilang minuto rin silang nanatiling tahimik nang mag-salita si Kim.
"Dispatch. This company supplies accessories and lets you customize them personally by a message of your choice." Panimula ni Kim. Lumapit siya sa kama at kinuha ang bracelet ni Gio mula kay Jezz. "Is this an A?"
"Lemme check." Kinuha ni Maricar ang bracelet habang may magnifying glass na nakatutok sa kanyang kanang mata. Matapos niyang basahin ang mensahe ay biglang nanginig ang tuhod niya at nabitawan ang bracelet at ang magnifying glass na hawak niya.
"What's the message?!" Sigaw ni Kim. Kinuha niya ang magnifying glass at ang bracelet at doon na siya kinabahan.
"Kim? What does it say?" Tanong ni Jezz.
Ilang sandali siyang natahimik at hinarap si Jezz at sinabi ang mga salitang nakasulat sa bracelet ni Gio. "I'M IN DANGER."
LUNES NG UMAGA ay agad pumunta si Kim sa 308 para sa kanyang unang subject na Literature. Kasama niya si Maricar sa klaseng ito kaya umupo siya sa upuan sa tabi ng bintana, ang kanilang karaniwang pwesto. Maaga pa naman at wala pang masyadong tao maliban kina Samara at Candy na sayang sayang sa pinag-uusapan nila. Hindi man niya alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakarinig siya ng Kim at mahirap.
Nilingon niya ang dalawa sa likod at sininghalan sila, "Mind your own business will'ya?!"
"Poor Kim. Walang business!" At naghalakhakan silang muli.
Nagpasalamat siya nang makita si Maricar sa harapan ng pintuan at dumiretso sa tabi niya dahil anumang oras ay talagang masasaktan na niya sina Samara at Candy kung walang aawat sakanya.
BINABASA MO ANG
Beauties
Misterio / SuspensoHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...