04. Soul Mate's Kiss

60 2 2
                                    

                04. SOUL MATE'S KISS


                HINDI MAPAKALI SI Maricar sa kanyang pagkakaupo sa isang kahoy na silya na pinatungan ng malambot na kutson. Pabaling-baling siya ng posisyon ngunit hindi pa rin siya mapalagay habang kinikwestyon ng mga pulis si Kim. Hindi niya namalayang napapalakas na pala ang mga tunog na nagagawa niya habang malikot na tumutunog ang mga daliri niya sa mesa.

                Tumunog ang kanyang telepono na nagpapahiwatag na mayroon siyang mensahe.

                'Everything will be alright. Just tell them the truth. -Jezz'

                Hanggang ngayon ay nag-tataka pa rin siya kung paano nagiging kalmado si Jezzel kahit sila na ang person of interest sa pagkamatay ng ex-boyfriend niya, sa childhood friend ni Jezz. Ganoon na ba kasama ang imahe nila upang pag-hinalaan sila sa isang murder ng taong malapit sa kanila?

                Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakukuha ang sagot sa tanong niya. Paano nadawit si Kim sa gulong ito. Tanong niya sa sarili. Ang pagkakaalam niya ay magkakilala lang naman sina Kim at Gio. Siguro ay nadamay lamang si Kim dahil naroon siya ng gabing iyon. Ito na nga yata ang karma nila. Ito na nga yata ang kaparusahan nila sa dinami-daming taong inalipusta niya. Ano bang magagawa niya? Isa lang naman siya sa mga nirerespeto sa Davory University. Sa tulong ni Audrey ay nakamit niya ang pinapangarap niyang atensyon, kasikatan, at pag-mamahal.

                Bumukas ang pintuan at lumabas ang umiiyak na si Kim. Kasabay ng pag-labas ni Kim ay ang pag-labas ni Inspector Jimenez.

                Nilapitan niya si Kim at pilit itong pinapatahan ngunit kahit anong tanong ang ibato niya rito ay isang iling lamang ang sinasagot nito.

                "Reyes, sa interrogation room." Matapang na sagot ni Inspector Jimenez. Inayos niya ang sarili at tiningnan muna si Kim bago pumasok sa interrogation room.

                Pag-pasok niya sa interrogation room ay ganoong ganoon ang itsura nito gaya ng napapanood niya sa mga pelikula. Naroon ang isang malaking lamesa na may dalawang upuang magkaharap. Puro salamin ang nakikita niya sa apat na sulok ng silid at may apat na surveilance camera sa dulo ng bubong at may isang video camerang nakatutok sa kanya.

                Umupo siya sa upuan at tiningnan ang sarili sa salamin. Kung tama ang pagkakaalala niya sa mga napapanood niyang mystery films ay may mga pulis o imbestigador sa likod ng salamin at pinapanood siya na parang isang lab rat na nasa isang eksperimento. Ilang sandali pa ay bumalik na si Inspector Jimenez sa silid na may dala-dalang makapal na papel na idinabog niya sa harap ni Maricar.

                "Reyes," Sagot ni Jimenez. Ibinaliktad niya ang upuan at umupo siya rito habang nakasandal ang magkabilang braso niya sa dulo ng upuan at tiningnan siya nito ng maigi. "Anong relasyon mo kay Gio Briones?"

                "Para sa'n yan?" Sagot niya at itinuro ang video camerang nakatutok sa harapan niya.

                "Ahh, kailangan naming i-document ang lahat at baka may butas sa kaso, gusto namin iyong balikan sa pamamagitan ng video na ito."

                "This thing is confidential right? Walang kahit na anong makakakita nito?" Tugon niya at nakipagtagisan ng tingin kay Jimenez. Isang bagay na natutunan niya kay Audrey ay huwag mag-papatalo sa mga taong nakikipagtagisan ng tingin sa'yo, dahil pag-nakita nilang nagpakita ka ng kahit na konting bahid ng kahinaan ay aatake sila.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon