24. Home Alone Present

26 1 0
                                    

                24. HOME ALONE PRESENT


                HANGGANG SA PAG-GISING NI MARICAR ay natatakot pa rin siya sa mga nadiskubre niya at mga sinabi niya kina Kim at Jezz. Hindi niya maalis sa isipan niya ang nakita niyang larawan nina Ryan Jimenez at Samara Torres na magkasama.

"Ugh, how am I gonna get over these, Gio?!" Sumigaw siya at tumingala sa kisame na tila kinakausap si Gio.

"Mar?" Katok ng kanyang ina sakanyang kwarto. "Malelate ka na. Bumangon ka na!"

Napabuntong hininga na lamang siya at nag-bihis. Hindi na niya nagawa pang mag-shower dahil gusto na niyang uminom ng mainit na kape.

Nakababa na siya mula sa kwarto niya at nakita niya ang kanyang mga magulang na nasa dining table. Masaya itong nag-uusap. Pinigilan niyang huwag masuka dahil sa kaplastikan na ipinapakita ng kanyang ama sa kanyang ina.

"I told you, pwede tayong pumunta doon next week. The place would all be by ourselves." Sagot ng kanyang ama.

Hindi siguro nila namamalayan ang presensiya ni Maricar kaya gumawa siya ng malakas at napakapekeng ubo. Agad silang napatingala at nakita siya.

"Oh Mar. We were just talking about leaving this house for two to three days maybe." Sagot ng kanyang ama at ngumiti sa kanyang ina. "You know, doing a date. Keeping the fire burning."

"Oo nga, honey. You can manage this house without us, right?" Malambing na sambit ng kanyang ina.

Padabog nalang siyang napaupo at kinuha ang waffles na gawa ng kanyang ina. "You always say that. Nothing's change!" Sagot niya.

"Mar!" Sigaw ng kanyang ina.

"Honey," Malumanay na sambit ng kanyang ama sakanyang ina habang hinahaplos nito ang kamay ng kanyang ina. "Let me talk to Maricar."

Napabuntong hininga siya at tumakbo pabalik ng kwarto niya. Naramdaman naman niyang sumunod ang kanyang ama kaya agad niya ni-lock ang pintuan ng kwarto niya.

"Maricar," Katok ng kanyang ama sakanya.

"GO AWAY!" Sigaw niya.

"Maricar, mag-usap tayo." Mahinahong tugon ng kanyang ama.

"Ano pang pag-uusapan natin?! Babaero ka and you'll always be like that!" Sigaw niya.

Narinig niya ang mahinang pag-hinga ng kanyang ama mula sa likod ng pinto. Umubo ito ng sandali at naramdaman niya ang pag-andar ng kotse nito. Kasama ang kanyang ina.

"FINE, LEAVE ME ALONE! YOU ALWAYS DO THAT?!" Sigaw niya na tila ba inaasahang sumagot ito kahit nakaalis na ang mga ito.

Padabog nalang niyang binuksan ang pinto at may naapakan siya sa paanan ng pintuan. Pinulot niya ito at napagtantong isa itong larawan, ang kanilang family picture.

Nakaupong magkatabi ang kanyang ama at kanyang ina habang nag-hahalikan. Nakita naman niya ang sariling umaarteng sumusuka na parang nandidiri sa ginagawa ng kanyang mga magulang. Kuha ito sa likod bahay nila. Napagtanto rin niyang kuha ito noong nakaraang taon dahil napansin niyang isa pa siyang loser. May mga bracelet pang nakasabit sakanya, matataas na hikaw na ngayo'y nakikita niyang sinusuot ng mga gradeschool. May mga pink streaks rin ang buhok niya. Napangiti siya nang maalalang kuha ito ni Gio. Ibinaliktad niya ito at nakita ang cursive writing ng kanyang ama. Matagal na niyang hinahangaan at ginagaya ang paraan nito ng pag-susulat dahil naiinggit siya rito. Naalala pa niya noong tinuturuan siya ng kanyang ama kung paano humawak ng ballpen, 'Eric-style', ayon sakanyang ama.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon