05. Queen Bees No More

50 2 0
                                    

                05. QUEEN BEES NO MORE


                NAGISING SI KIM ng Alas-Singko ng umaga upang mag-saing ng kanin para sa pamilya niya. Ito ang unang panahong mag-sasaing siya ng kanin para sa pamilya niya. Hindi kasi siya nag-sasaing noon dahil tinatanghali siya ng gising. Ngunit ngayong may boyfriend na siya, gusto niyang maging responsable para sa kanyang mga magulang. Hangang-hanga nga siya kay John dahil sa determinasyon nitong mag-trabaho ng mabuti kaya bilang isang maganda at mabait na dalaga ay gusto niyang maging responsable katulad ng nobyo niya.

                Nang matapos siyang mag-saing ng kanin ay agad siyang naligo at nag-bihis. Pinili niyang mag-suot ng long-sleeved polo at isinilid ang tight skirt na nabili niya sa ukay-ukay. Alam niyang sasawayin na naman siya nina Audrey dahil sa suot niya ngunit anong pake niya? Mahirap lang siya. Nang halikan niya si John, naramdaman niyang walang mali sakanya. Natutunan niyang tanggapin kung sino siya. Natutunan niyang yakapin ang totoong siya.

                Tiningnan niya ang orasan at nakitang Alas-Siyete na ng umaga. Napangiti siya. Gusto niyang umalis bago pa man gumising ang kanyang mga magulang. Kinuha niya ang kanyang bag at nag-iwan ng note sakanyang mga magulang na inumin nito ang gamot nito.

                Paglabas niya ng bahay ay napangiti siya. Nakita niya si John. Si John na mas gumagwapo sa suot nitong blue long sleeves at loose pants. Kahit hindi ito masyadong naka-pustura ay wala siyang pakialam. Mahal niya ito at kahit na maghubad man ito'y hindi niya ito ikakahiya. Nag-dadasal nga siyang mag-hubad ito para sakanya.

                "Kimmy!" Sagot nito at sinalubong siya ng isang mainit na halik. "Pasiyensiya na. Wala akong dalang kotse, pinag-iipunan ko pa. Alam ko namang gusto mong maihatid ng isang magarang kotse."

                Napangiti naman siya. Oo, pinangarap niyang sunduin ng isang magarang kotse ngunit mas papangarapin niyang sunduin ng taong mahal niya. "No biggie. Basta hindi lang ang aso mo ang susundo sa'ken!" Natatawang sagot niya. Isang halik lang ang iginawad ni John sakanya habang magkahawak-kamay nilang nilakad ang daan patungong Davory University.

                ISANG MAGULONG KUMPUAN ang naabutan ni Kim nang marating nila ni John ang Davory University. Hinalikan niya si John at nag-paalam siya rito. Nang makapasok siya sa campus ng Davory University ay pinagtitinginan siya ng lahat ng tao. Nakita niyang nakayuko ang kaibigan niyang si Maricar habang kumukuha ito ng mga libro nito sa sariling locker. Napabuntong hininga siya. Siya si Kimberly Gabayeron at siya ay isang Queen Bee. Sinubukan niyang ngumiti sa mga tao bago puntahan si Maricar.

                "Hey, what's up!" Sagot niya. Tumingala ito at parang may gusto itong sabihin nang dumating si Jezzel.

                "Hey, may assignment na kayo sa Database? I just solved the problem." Nagtinginan lamang sila. "Hey, ayaw niyo bang mangopya?"

                "Jezz." Tila naintindihan naman ni Jezzel ang gustong ipahiwatig ni Kim.

                "Anong nangyari Maricar?" Tanong ni Jezz. Kung may magaling mang magpaamin ng tao ay si Jezzel Imperial iyon, siya ang may kakayahang manipulahin ang katotohanan at gawin itong totoo.

                "Kasi," Tugon ni Maricar habang pinahid ang mga luha niya. Napabuntong hininga ito at sumeryoso ang kanyang mukha. "Walang katawang nakita ang mga pulis sa kabaong ni Gio!"

                "What?!" Sabay nilang tugon.

                "Pa'no nangyari 'yon?! Nakita naman natin ang pag-libing sakanya diba?!" Sagot ni Kim na para bang kinakalkula ang isang arithmetic problem.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon