11. Salad of Nuts

38 3 5
                                    

                11. SALAD OF NUTS


"YEAH, WE'LL JUST meet at Cafe Brasso at 8!" Tugon ni Jezzel at ibinaba na ang telepono. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng kanilang assignment sa World Literature nang tumawag si Kim. Muling bumalik sa isipan niya ang mga emails na nasa inbox ni Gio.

"Jezz! We'll be having a dinner in a minute!" Sigaw ng kanyang ina mula sa unang palapag ng kanilang bahay.

"COMING!" Sigaw naman niya at patakbong tinungo ang kanilang Dining Hall. Agad siyang umupo sa tabi ng kanyang kapatid na si Mae. Naroon na ito at abala sa kung anong ginagawa nito sa cellphone.

"Hey," Panimula ng kanyang kapatod sakanya. "You aren't friends with Audrey anymore. Kaya wala ka ng karapatan mag-reyna reynahan sa school. The race is all about brains again." 

"I will do better this year, Mae!" Tugon naman niya rito at dinilaan ang kanyang kapatid.

"JEZZEL IMPERIAL! WHAT ARE YOU DOING WITH YOUR SISTER?!" Nabigla siya sa sigaw ng kanyang ina na nasa paanan ng hagdanan.

"Uhmm, Ma... We... Naglalaro lang kami..." Nauutal niyang tugon sa ina. Nang hindi nakatingin ang kanyang ina ay ngumiti ng napakatamis ang kanyang kapatid at dinilaan siya.

"So, good evening ladies..." Masayang bati ng kanilang ama habang masayang kinakagat ang french toast nito. "Mae, any news about your academics?"

"Our stage director made me a lead role sa aming Macbeth play. Will you come? It'll be on Sunday, 8:30 PM. Please say yes, dad!" Pag-mamakaawa nito na alam naman ni Jezz na puro pagkukunwari lamang.

"Sure. Your Mom and I will be there. Right, Rita?" Tanong ng kanyang ama at hinarap ang kanyang ina na abala sa pag-tatype sa laptop nito.

"I have this really important article to finish but I can manage to squeeze Mae's play into my schedule." Tugon nito habang hindi pa rin inaalis ang mata nito sa kanyang ginagawa.

Bigla silang natahimik at ipinagpatuloy ang pagkain ng kanilang hapunan.

"Jezz. We need to have a long talk. About Gio." Pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan.

"I agree. Meet us at the study after this." Dugtong ng kanyng ina at hinarap siya.

Bigla siyang kinabahan. Humihiwalay lang ang atensyon ng kanyang ina sakanyang laptop kapag importante talaga ang pag-uusapan. Gaya noong nakatanggap sila ng balita na ang sinasakyang eroplano ng kanilang Tita Cecil ay nag-crash.

"Good luck, Jezz!" Bulong ng kanyang kapatid at umakyat na ito sa kwarto.

"MA, PA. I'M LATE! KIM AND MAR ARE WAITING FOR ME--" Natigilan siya sa kanyang idadahilan nang mag-salita ang kanyang ina.

"Jezzel Imperial. Go to the study!" Matigas na tugon ng kanyang ina kaya wala siyang nagawa kundi isampa ang kanyang bag sa kanyang balikat at tinungo ang kanilang malikang study.

Agad sumalubong sakanya ang matapang na amoy ng mga papel at lumang libro nang marating niya ang study. Halos nabulag siya sa puro kahoy at mga librong nakapalibot sakanya. Umupo siya sa isang swivel chair at muling pinagmasdan ang paligid. Paikot siya ng paikot rito hanggang sa may mahigip ang kanyang mata. Dahan-dahan niyang ipinagulong ang kanyang upuan sa mesa ng kanyang ama kung saan nito ginagawa ang trabaho nito.

"Seventy Thousand pesos for the family of Josephine Ibanez." Pagbabasa niya sa nakita niyang papel na nasa desk ng kanyang ama. Jospehine? Napatakip siya ng bibig ng maalala si Josephine. Si Josephine Ignacio, ang nag-iisang queen bee ng Davory University. Ba't kaya pinadalhan ng Papa niya ang pamilya ni Josephine ng pera? Hindi kaya... Biglang sumikip ang paligid at pakiramdam ni Jezz ay lumamig ang kwarto. Hindi pwedeng pinapagtakpan siya ng kanyang mga magulang sa ginawa niya tungkol kay Josephine.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon