13. Limit of Credit

38 3 3
                                    

                13. LIMIT OF CREDIT


                "I KNOW EVERYTHING you did last summer." Sagot ni Joane habang nakangiti. Biglang kinabahan si Kim sa sinabi ni Joane. Ibig sabihin, alam niya kung anong ginawa nila kay Josephine noong gabing iyon?

                Ilang segundo lamang itong nakipagtagisan ng ngiti sakanila bago ito umalis at umupo sa mesa na inuupuan ni Audrey. Napaisip nga si Kim kung kailan siya ulit makakaupo sa mesang iyon, ang mesa ng mga Queen Bee.

                Ping.

                Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakitang may mensahe si John.

                'Hey, Kim. Aabsent ako ngayon sa trabaho. Sorry. -John.'

                Isinara nalang niya ang kanyang cellphone at napabuntong hininga. Napapansin kasi niyang nagiging mailap na si John nitong mga huling araw. Madalas nalang itong mag-iwan ng text. Kung mag-iiwan man ito ng mensahe, ay nagpapaalam itong hindi ito magpapakita sakanya. Ginusto lang ba siya ni John dahil sa katawan niya? Umiling siya at pinilit inalis ang ideyang iyon sakanyang isipan. Minahal siya ni John kung sino siya. Minahal siya ng bestfriend niya.

                "Kim, nakikinig ka ba?!" Bumalik siya sa kasalukuyan nang mag-salita si Jezz. "Tingin mo alam ni Joane kung anong nangyari?"

                "Sa tingin ko, kung alam niya talaga ang nangyari ay matagal na siyang nag-sumbong sa mga pulis." Tugon niya. "Ba't pa niya mamadaliin ang pag-sumbong, diba?"

                "Dahil gusto niyang takutin tayo! Don't you get it guys, it's simple actually. We're P.O.I. now, right? And it's confidential, right? Tingin mo, pa'no nalaman ng buong school ang tungkol doon?! If the student body doesn't know anything about that, Queen Bees pa sana tayo ngayon. We'll still be sitting on that chair!" Pagpapaliwanag ni Maricar.

                "And what? Laughing at someone? Mar, pinagtawanan na tayo dati. Gusto mo bang maging superior ulit? Gusto mo bang maging isang Josephine, Audrey or Samara?! Do you wanna be a bitch?!" Sigaw ni Jezz.

                "I just wanna have a great time this year. And I can only have that kapag naging Queen Bee ako!" Pangangatwiran nito.

                "Hey guys stop!" Pang-aawat ni Kim sa dalawa. "We should be focusing our attention on Samara." At nang sabihin niya iyon naisip niya na tama siya. Kailangan nilang ituon ang kanilang mga pansin kay Samara dahil anumang oras ay pwede silang makulong. Wala silang alibi nang maganap ang pag-patay kay Gio. Pwera na lamang kung...

                "We can get Audrey!" Nabigla sina Jezz at Maricar nang mag-salita siya. "Yes! She can be the witness! Na noong mga oras na iyon, ay nasa garden tayo... drinking." Hininaan niya ang kanyang boses nang sabihin iyon.

                "Audrey left remember?! She went into the CR that day. She left for hours at sumulpot nalang siya bigla!" Tugon ni Maricar.

                "There's something more we can trust..." Sagot ni Jezz at tumingin ito sa taas. Lumingon naman si Kim sa taas at may nakitang itim na CCTV na paikot ikot.

                HABANG NASA KALAGITNAAN ng kanyang Algorithm subject ay hindi mapakali si Kim sakanyang upuan habang iniisip ang tungkol sa CCTV. Saan kayang parte ng eskwelahan namalagi si Gio bago siya namatay? Sino ang huli niyang nakausap? May kinalaman kaya ito sakanyang pagkamatay? Habang nag-sasalita si Mrs. Gaby ay inilahad niya sa isipan ang mga detalya ng pagkamatay ni Gio. Basang-basang isinabit ang katawan nito sa likod ng paaralan kung saan naroon ang lumang flagpole. Basa. Basa na para bang binura ang lahat ng fingerprints nito. Itinuturo silang Person Of Interest sa kaso nito dahil walang makapagturo sakanila kung nasa'n sila nang mamatay ito ng mga alas-diyes ng umaga.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon