28. Samara's Story

29 0 0
                                    

28. SAMARA'S STORY

NANG MABILHAN NI JEZZ SI KIM ng isusuot nito sa birthday party ni Joane ay agad na siyang dumiretso sa ospital upang bisitahin ang kanyang ina. Dumaan muna siya sa convenience store upang bumili ng mga makakain nila.
Pag-pasok pa lamang niya sa convenience store ay agad niyang nakita si Samara na umiiyak. Kahit gusto niyang makitang nasasaktan si Samara sa mga ginawa niyang pag-papahirap sakanila ay hindi pa rin niya kayang matiis makita ang isang taong umiiyak. Naisip niyang baka kailangan nito ng kausap.
"Samara," Paunang sambit niya at inabutan ito ng kape. "I know this coffee doesn't amount to the expensive drinks you buy at Cafe Brasso but it's enough to calm you."
Tumingala si Samara at agad pinunasan ang mga luha nito, halatang ayaw nitong makita ni Kim na umiiyak. "Ba't ka nandito?! Sinusundan mo ba ako?!"
"Look Samara, alam kong may problema ka! Lumapit ako dito sa table mo thinking na kailangan mo ng kausap. Looks like, nag-aksaya lang pala ako ng panahon!" Walang prenong tugon ni Kim. Aalis na sana siya ngunit nabigla siya ng may kamay na humawak sakanya.
"S-Sorry." Mahinang bulong nito.
Napangiti si Kim at umupo sa harap ni Samara. "Ano bang nangyari?"
"Hindi mo alam!" Sigaw ni Samara. "H-Hindi mo maiintindihan!"
"Sam, paano ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin?" Tanong niya rito.
"Sa buong college life ko, I've been with a Queen Bee. I was popular because I also have popular friends. But now... Wala na si Audrey..." Putol na tugon ni Samara.
"Audrey left you?" Tanong ni Kim.
Tumango na lamang si Samara. Agad nagulat si Kim sa kanyang mga narinig. Hindi niya aakalaing iiwanan ni Audrey si Samara gaya ng pag-iwan nito sakanila.
Ilang minuto rin silang natahimik at nabigla si Kim nang higupin ni Samara ang binili niyang kape mula sa Vending Machine ng convenience store.
"Ba't importante sayo ang pagiging sikat?" Biglang tanong ni Kim. Inaasahan niyang sumigaw si Samara at sampalin siya ngunit ngumiti lamang ito.
"When I was in highschool, I was bullied. Ironic right? Ngayong college na tayo, malakas ko kayong i-bully." Ngumiti pa ito ng peke. "They called me names... Loser, freak, dork. I used to eat my lunch at a cubicle dahil walang gustong makatabi ako sa mesa." Agad namang naawa si Kim kay Samara dahil pinaalala pa tuloy niya kay Samara ang masalimuot nitong nakaraan.
"Samara, I'm sorry." Seryosong tugon ni Kim. Hindi niya alam na masalimuot pala ang naging buhay ni Samara kaya pala gustung-gusto nitong maging sikat dahil ayaw na nitong matulad ang buhay noon.
"Hindi, Kim." Tugon ni Samara. "I am really sorry. I... Hindi ko alam anong nakita ko sainyo at binubully ko kayo. Siguro I found myself in you guys... You were all charming, loving and beautiful who wants attention."
Sasabihin sana ni Kim na hindi niya pinangarap maging queen bee ngunit nang maging sikat siya sa tulong ni Audrey ay napagtanto niyang masarap sa pakiramdam ang mahalin ng mga tao. Yung pakiramdam na lahat ng tao ay hinahangaan ka, gustong maging ikaw.
"Naiinggit ako sainyo." Biglang sagot ni Samara.
"What? Samara. You have everything... Beauty, Brains, Popularity, pati pera. Paano ka naman maiinggit sa aming tatlo?" Nag-tatakang tanong ni Kim.
"Maybe because you have each other. Nariyan kayong tatlo para sa isa't-isa. Kayo ang nagiging sandalan ng isa't-isa." Ngumiti ito. "Pati nga pagiging person of interest eh." At tumawa ito ng mahina.
Agad napalunok si Kim. "Paano nalaman ng buong school na isa kaming person of interest?!" Mahinang bulong niya.
Matamlay na tawa lamang ang itinugon ni Samara. "Nung first day of school... Kinausap kayo ng mga pulis, kahit kaming mga kaklase ni... G-Gio." Humina ang boses nito ng mabanggit si Gio. "Naalala mo nung nakatanggap kayo ng mga tingin mula sa mga estudyante sa DU?"
"Nung iniwan kami ni Audrey at sumama sainyo?" Tanong ni Kim ngunit agad nabawasan ang kanyang kyuryosidad dahil sa kaunting awkwardness na namayani sa pagitan nila.
"Bago ang araw na iyon, may gumawa ng Facebook page sa inyo. It was named Beauties. Nandu'n ang pictures ninyong tatlo habang nasa cop car ni Inspector Jimenez." Nakayukong sambit ni Samara. "And it has over a hundred thousand likes. Clearly, maraming nakakita."
"At ba't di namin nakita ang page na ito?" Tanong ni Kim.
"Akala naming lahat nakita niyo iyon? At first I thought that was your gimick para dumami ang followers niyo." Tugon ni Samara. "Clearly ang taong gumawa nu'n ay magaling sa computer. Dahil sa pagkakaalam ko, Facebook doesn't allow Public pages that will be a secret to an account. Kapag gumawa ka kasi ng Facebook page, it should be Public!"
"Sam, please sabihin mong kaya mong i-trace ito." Pag-mamakaawa ni Kim. Alam niyang magaling rin si Samara sa mga computers at noong first year pa sila ay nabalitaan niyang nalagpasan ni Samara si Jezz sa mataas na grado dahil inalter nito ang mga grades nito.
Huminga muna ng malalim si Samara.
"Sam, kaya mo diba?" Tanong muli ni Kim habang hinahawakan ang kamay nito. "Gio's killer is still out there, at kami ang pinagbibintangan. It would only take a matter of time bago kami muling ipatawag sa police station and who knows baka ikukulong na kami."
"Kim, what you're demanding is really difficult. Fetching up an IP Address on a really secured database like Facebook is like crossing out on a river with crocodiles." Tugon ni Samara. Doon na nawala ang pag-asa ni Kim. Ang buong akala niya'y kaya itong gawin ni Samara dahil magaling ito sa computer. Iyon na lang ang tanging pag-asa niya upang mahanap ang pumatay kay Gio, nawala pa. "But with the help of Giovanni. Maybe we can do it."
Agad lumiwanag ang ekspresyon niya. "Really Sam?! Salamat!" Halos tumalon na siya at dakmain ng yakap ang kanyang dating kaaway.

MATAPOS ANG PAG-UUSAP NIYA KAY SAMARA ay hinatid na niya ang kanyang biniling pagkain sakanyang ina. Pag-pasok pa lamang niya sa suite room ay agad siyang nagulat dahil napuno ng tawanan ang kwarto. Nakita niya si Mr. Briones sa tabi ng kanyang ina habang nag-kukwentuhan. Hindi napansin ng dalawa ang kanyang presensiya kay nanatili lamang siyang nakatingin sa mga ito.
"Alam mo anong sinabi niya?" Pag-kukwento ni Danilo Briones sakanyang ina. "Tinanong niya ako kung ako ba raw ang may-ari at kung bakit raw may tae sa pool?"
Tumawa ang kanyang ina. "Ano namang sabi mo?"
"Tiningnan namin sa mga CCTV, yun pala, yung nag-reklamo yung tumae." Mahinang sinuntok ng kanyang ina si Danilo at tumawa.
"Baka naman ikaw yung tumae." Pambabasag ni Kim sakanilang tawanan.
Napalingon ang dalawa sakanya at kapwa ito napangiti.
Lumapit siya sakanyang ina. "Pag-palain ka ng Diyos." Tugon ng kanyang ina nang mag-mano siya.
Ngumiti na lamang siya kay Danilo dahil hindi niya alam kung paano ito batiin. Hindi rin naman niya pwedeng yakapin ito dahil boss niya ito. Hindi nga ba?
'Kim, umayos ka nga!?' Sigaw niya sakanyang sarili at umupo na lamang sa tabi ni Danilo Briones.
"Kamusta ka na, Ma?" Tanong niya sa nakahigang ina.
"Hay, eto nababagot na dito! Dalhin mo naman yung mga ka-majong ko rito nang makapag-majong rin naman ako!" Pag-mamaktol nito.
"Ma, alam mo namang bawal diba? Lumayo ka na sa mga 'yon. Puro bad influence dala nu'n sa'yo!" Puna ni Kim.
"Mas lalala ang sakit ko pag nakahiga lang ako rito! Masarap nga ang mga pagkain, eh nabubulok naman ang laway ko. Mabuti nga't dumadalaw rin tong si Danilo!" Bumungisngis ito at mahinang pinalo ang braso nito.
"Ma, boss ko po iyan." Mahinang bulong niya at kinurot ang tagiliran ng ina.
"Magiging kayo rin naman." Tugon ng kanyang ina habang muling bumungisngis at tumalikod na ito sakanilang dalawa at bumalik sa pagkakatulog.
"Pag-pasensiyahan mo na ha?" Sambit niya kay Danilo. "Medyo may sayad." Tunawa na lamang siya at napabuntong hininga.
Matapos ang kanyang matamlay na tawa at agad niyang naalala na hindi pang habangbuhay ang kanyang sayang nararamdaman ngayon dahil maaring bukas o sa makalawa ay may ebidensiya ng makakapagturo sakanila. Kahit hindi sila ang may sala.
"Ba't ang unfair ng mundo?" Tanong niya. Hindi niya napansing nagtuluan na pala ang mga luha mula sakanyang mga mata.
Naramdaman na lamang niya ang matigas na braso ni Danilo sakanyang balikat. Huminga na lamang siya ng malalim at napahiga sa balikat ng ginoo. Ngunit agad naman siyang natauhan nang maalala ang mga natanggap niyang regalo. Ang mga pera, mga larawan at mga texts. Hindi na siya pwede pang maging attached sa boss niya. Ano na lamang ang sasabihin ng buong eskwelahan kapag ibinulgar ng may sala ang mga larawan niya? Ayaw na niyang maging dating Kim na pinagtatawanan sa party at pinagmumukhang kawawa.
Agad siyang kumalas sa malaking brasong nakakabit sakanyang balikat. "Uhm, sorry, s-sir." Sambit niya at dumistansiya kay Danilo.
"S-sorry rin. Akala ko kailangan mo ng kaibigan." Tugon nito at napakamot sa batok nito habang nakangiti. "I-I should get going."
Matapos ang pag-tunog ng pinto, hudyat na nakalabas na si Mr. Briones ay huminga ng malalim si Kim. Matutulog na sana sia sa tabi ng kanyang ina dahil wala na rin naman siyang klase ay tumunog ang kanyang cellphone.

FROM: mystique_boy96@gmail.com
TO: gabayeronkim@davoryuniversity.edu.ph
SUBJECT: Gio

'May nalaman ako tungkol kay Danilo Briones and I think u should know about this! -m'

=======×=======
KALA NIYO NAKALIMUTAN KO NA SI MYSTIQUE ANO? HAHAHA. TAMA KAYO, NAKALIMUTAN KO TALAGA SIYA, BUTI NALANG AT NAALALA KO PA ANG EXISTENCE NIYA.

I THINK I CAN'T UPDATE THIS STORY NA. PERO PAG NATAPOS ANG SEM OR INTRAMS WEEK, PIPILITIN KO ANG SARILI KONG MAG-UPDATE. KUNG MAY NAG-BABASA MAN NG STORYANG ITO, COMMENT NAMAN KAYO NG THEORIES NIYO PLEASE.

PLANADO NA PO PALA ANG ENDING... KASO... MAY NAPANOOD ANG *TOOT* (HEHEHE, CENSORED ANG PANGALAN) SA TV NA KAPAREHONG KAPAREHO SA ENDING NA NASA UTAK KO AND I NEED TO CHANGE THE ENDING. BACK TO SQUARE ONE ULIT AKO. :'/

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon