10. MY FIRST
NANG PAREHONG ARAW na iyon ay sumakay si Kim sakanyang bike na binili ng kanyang Tita Sandy at tinahak ang subdivision ng bahay nina Gio. Tumigil siya sa tapat ng puti at malapalasyong bahay at pinindot ang doorbell.
Bumukas ang pinto at nakita niya si Mrs. Briones. Ganoon pa rin ang suot nito noong nakita nila ito na kausap si Samara. "Oh hello, dear." Masayang pag-bati nito.
Umubo muna siya at naalala ang inutos sakanya nina Jezz at Mar na mag-panggap bilang isang journalist bago siya ngumiti. "Hi! Is this Gio Briones' house?"
"Well, oo. Ito nga. Anong maipaglilingkod ko?"
"Hi, my name is..." Naisip niyang hindi niya pwedeng sabihin ang pangalan niya dahil nag-tatrabaho siya sa resort nina Gio at mate-trace siya nito. Agad nilibot ng kanyang mga mata ang paligid at may nahagip siyang pangalan. "Patterna... Patterna Chu!"
Napansin naman niya ang pagkinang ng mga mata ni Mrs. Briones na halatang pinipigilan ang tawa na lumabas sa mapula at perpekto nitong labi. "Well, Patterna... I mean, Patty for short, dear, anong maipaglilingkod ko sa'yo?"
"I'm a journalist ng Davory University and I'm hoping I could do a feature on Gio's bedroom. He's kinda the star in our school." Pinilit niyang ngumiti kahit nakakapanghina ng mga tuhod ang mga tingin ni Mrs. Briones.
"Well, if it's for Gio, I'm happy to show you his room." Tugon ni Mrs. Briones at binuksan ng mas malawak ang pinto upang papasukin siya. Amoy mansanas ang bahay na may halong matapang na pabango ni Mrs. Briones. Sa oras na alas-singko ng hapon ay napansin niyang nakasindi na ang mamahalin nitong chandeliers na parang bituin na nagbibigay ilaw sa tahimik na bahay. "Gio's bedroom is upstairs."
At dinala siya nito sa kwarto ni Gio. Ito ang una niyang pagkakataong makapasok sa kwarto ni Gio dahil sa mismong bahay naman ginanap ang kanyang interview noong alukin siya ni Gio ng trabaho sakanilang resort. "Dear, anything else?"
"Uhm, may I ask for a lemonade?" Tanong niya kahit pulang-pula na ang kanyang pisngi sa hiya. Ang utos kasi sakanya nina Jezz at Maricar ay humingi siya ng baso ng Iced Tea or Lemonade para masolo niya ang kwarto ni Gio.
"Very well then." At umalis na ito.
Dali-dali niyang tinakbo ang computer ni Gio at pinindot ang power button. Ilang minuto lamang ang hinintay niya at humingi na ito ng password.
Hindi niya sinayang ang oras at mabilis na itinype ang salitang, 'bracelet'.
PASSWORD INCORRECT.
Sinubukan niya ang, 'BRACELET'.
PASSWORD INCORRECT.
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jezz.
"Jezz, hindi bracelet ang password ni Gio!" Halos sumigaw na siya sa bilis ng kabog ng dibdib niya.
"Wait, Kim... Shines in the sun, gleams under the moonlight. It's gotta be a jewelry. Can be worn or destoryed. A jewelry..." Sandaling natahimik ang kabilang linya.
"Jezz... Still there?"
"A necklace! Necklace. It is placed where the beating starts, may pulso rin ang leeg at malapit ito sa puso. Try it Kim!"
BINABASA MO ANG
Beauties
Misterio / SuspensoHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...