20. The Author

35 2 0
                                    

                20. THE AUTHOR


                NANG MGA ORAS na iyon ay nagkakape si Jezzel habang nasa kanyang laptop. Binabasa niya kung ano ang update sa Gio Briones case. Ngunit wala siyang makuhang impormasyon. Lahat raw ng autopsy report at lahat ng details ay mananatiling confidential hangga't may nahanap na silang suspect. Halos matapon naman ni Jezz ang kanyang Latte nang mabasa ang salitang suspect. Ilang ebidensiya na kaya ang kinakalap ng mga pulis ngayon para sila'y maging suspect?

                Tumunog ang cellphone niya at nakitang si Kim ang tumatawag.

                "Hello?" Sagot niya kay Kim.

                 "Jezz, meet me at Maricar's room. We're ending this with Samara!" At agad na nitong pinutol ang linya. Ano kayang ibig sabihin nito? Ano kaya ang ikinagalit niya at gusto niyang pabagsakin si Samara?

                Isinara na niya ang kanyang laptop at nag-bihis. Kinuha niya ang kanyang wallet, susi ng kotse at ang kanyang cellphone. Bago siya lumabas ng bahay ay dumaan muna siya sa office ng kanyang papa upang mag-paalam na aalis siya ngayon.

                Napag-alaman kasi ng mga magulang nila na matagal siyang umuwi kagabi dahil sa pag-bisita niya kay Maricar sa ospital kaya binilinan siya nitong mag-paalam ito tuwing aalis ito ng bahay.

                Kumatok siya sa bahagyang bukas na pintuan pero wala sumasagot.

                "Pa?" Tanong niya upang makumpirmang may tao nga sa loob.

                Walang sumagot.

                Lumingon muna siya sa paligid bago tuluyang pumasok sa opisina nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapatulog ng konsiyensiya niya tuwing na aalala niya ang tungkol sa perang ibinigay ng kanyang ama sa pamilya ni Josephine Ibanez.

                Tumungo siya sa front desk nito at umupo sa malambot nitong swivel chair. Ipinasada niya ang mga daliri niya sa mga drawer at isa-isa itong binuksan. Walang nakabukas rito kaya tumayo siya at tinungo ang filing cabinet sa kanang parte ng silid. Binuksan niya ang unang drawer at tiningnan ang mga labi na nandoon.

                ANNULMENT. DIVORCE. FIRM. MARRIAGE.

                Malamang ay tungkol ito sa mga kliyente ng ama niya.

                Muli niyang ipinasada ang kamay niya sa pangalawang drawer ng filing cabinet at nakita ang nakahilerang mga letra mula sa A hanggang Z.

                Tinunton niya ang J at hinanap kung may makita siyang Josephine o Joane Ibanez man lang ngunit wala siyang nakita roon.

                "Stupid me!" Bulong niya sa sarili. Ngayon lang niya napagtantong sino ba naman ang mag-aayos ng alphabetical order base sa kanilang first name.

                Umtras ang daliri niya ng kaunti at binunot ang makapal na folder. Agad siyang nagulat nang madiskubre niyang ang makapal na folder na hawak niya ay puro Imperial at Ibanez.

                "I'm here!" Narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa ibabang palapag ng kanilang bahay. Malamang ay nakabalik na ito mula sa pilates session nito.

                Kinuha niya ang Ibanez at inilagay sa kanyang sling bag at pinilit na ipasok ang Imperial na folder pabalik sa cabinet at isinara iyon.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon