26. Don't Get Your Hopes Up
NANG MAKAUWI SI JEZZ ay napabuntong hininga siya sa dami ng problemang nangyari. Gabi na ng makauwi siya kaya di na siya nag-abala pang kumain. Sinigurado muna niyang naka-lock ang lahat ng bintana sa kwarto niya bago siya umidlip.
Hindi namalayan ni Jezz na kanina pa pala kumakanta si Madonna ng Living for Love habang nag-vivibrate ang cellphone niya. Kinapa niya ang salamin niya at tiningnan ang oras.
6:30AM.
Bigla siyang bumangon at nag-bihis ng kung anong isusuot niya. Hindi na siya nag-atubili pang tingnan ang kanyang ayos sa salamin dahil kailangan niyang humabol sa English subject niya. Kinuha niya ang kanyang libro at ang kanyang wallet at mabilis na tumakbo pababa.
"Jezz, grab your breakfast." Tuwid na sagot ng kanyang ina. Naisip niyang sa puntong ito ay alam na nitong matagal siyang nakauwi kagabi.
"Thanks mom!" Pag-lalambing niya rito at hinalikan sa pisngi ang ina at kinuha ang sandwich niya.
Mabilis ang pag-sakay ni Jezz sakanyang kotse ngunit bago pa man niya ma-start ang ignition ng sasakyan ay napansin niyang may kausap si Samara sa tapat ng bahay nito, si Inspector Ryan Jimenez.
Bababa sana siya ng kotse at lalapit sa dalawa upang marinig ang kanilang pinag-uusapan, nang biglang humarap sa direksyon niya si Jimenez. Kumaway ito sakanya at ngumiti na parang kinukutya siya nito. Inirapan lamang niya ito.
Kung ang iba ay gagantihan ng ngiti ang isang gwapo at matipunong pulis, iba siya, mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang kesa makausap si Jimenez.
TATLONGPUNG MINUTO lamang ang biyahe mula sa bahay nina Jezz patungo sa Davory University at umabot si Jezz roon sa loob lamang ng dalawampung minuto.
"Crap," Paunang sambit ni Jezz habang papasok sa main lobby ng kanilang campus. "Nasa'n kaya si Kim?"
Kinuha muna niya ang kanyang cellphone bago gumawa ng text para kay Kim.
'WER R U?! DONT GO MIA ON ME! -J'
Agad na siyang dumiretso sa classroom niya. Pag-pasok pa lamang niya ay narinig na niya ang nakakabinging tawa ng grupo nina Samara, kasama si Audrey. Nang makita siya ni Samara ay tinitigan siya nito at ngumiti. Tumingin siya kay Audrey ngunit umiwas lamang ito ng tingin sakanya at yumuko na lamang.
Kahit anong gawin niyang pag-wawakli sakanyang isipan na hindi si Audrey ang nag-papadala sakanya ng mga 'regalo' ay may isang parte ng kanyang utak na nag-sasabing mali siya. Si Audrey lamang at si Josephine ang nakakaalam ng kanyang mga sikreto. Ngunit ngayong nakita niyang umiiwas ng tingin si Audrey sakanya ay parang guminhawa ang pakiramdam niya. Baka naman ayaw na ni Audrey makasama ang grupo nina Samara. Baka naman gusto ng bumalik ni Audrey sakanila. O baka nagui-guilty lang si Audrey?
"Goodmorning class!" Bumalik siya sa realidad mula sakanyang pag-iisip nang mag-salita ang kanilang professor.
Agad siyang napatayo. Nag-dasal ang kanyang professor at pinaupo na sila.
"As what you've noticed, we will be approaching the end of July." Pag-bati ng kanyang professor na nakapagpasigaw sa kanyang mga kaklaseng tuwang-tuwa. "And you'll be having your prelim exams." Agad nawala ang ingay sa klase.
Napalunok si Jezz. Binigyan niya ng mental note ang isipan niyang mag-sisimula na siyang mag-aral mamayang gabi.
"And those who are aiming to be cumlaudes here, I expect you to do good! Very good, okay?" Sambit ng kanyang professor habang nakatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...