18. REUNITED
NAGISING SI MARICAR sa isang maliwanag na kwarto. Nang makakita na siya ng maayos sa pansamantalang pagkabulag ay napagtanto siyang wala siya sa kanyang kwarto. Pinilit niyang umupo sa kama kaso nang isinandal niya ang kanyang kamay sa dalawang dulo ng kama ay nakaramdam siya ng hapdi. Napatingin siya sa kanyang mga kamay at nakitang lapnos na ang balat niya. Napailing siya. Hindi maaari ito. Hindi pupwedeng pumangit siya dahil sa sunog. Tumingin siya sa kanan niya at agad siyang nagsisi nang makita ang mukha niya. Nakalabas na ang laman niya at ang kanyang ugat sa kanyang mukha. Napasigaw siya.
"Maricar!" Nakaramdam siya ng pagtabig sakanya at agad siyang bumangon kaso humapdi ang kanyang braso. Natatakot siyang tingnan ito dahil baka kung anong makita niya. "Nananaginip ka lang."
Napalingon siya at nakita ang kanyang ina. Nakasuot lamang ito ng simpleng sweatshirt at ang karaniwan nitong sinusuot na yoga pants tuwing mag-zuzumba ito.
"Anong oras na?" Tanong niya sakanyang ina.
"9:00 PM na." Tugon nito. Agad siyang gumawa ng mabilis na kalkulasyon sakanyang utak at napagtantong labing-tatlong oras na siyang nakahiga rito.
"Si papa?" Tanong niya. Inaasahang niyang ang itugon ng kanyang ina ay bumili lamang ito ng pagkain ngunit nalungkot siya sa itinugon nito.
"May prayer meeting pa siya ngayon." Nakayuko nitong tugon. Inaasahan sana niyang nasa tabi niya ang kanyang ama at sabihin siyang magiging maayos ang lahat, gagaling siya sa tulong ng Diyos, at babalik siya sa eskwelahan pero wala ito ngayon sa tabi niya.
"Maricar," Pag-tawag sakanya ng kanyang ina habang inaayos nito ang mga pagkaing nasa side table. "Narito pala ang mga kaibigan mo."
Agad lumiwanag ang ekspresyon niya. Pansamantalang lumabas ang kanyang ina na parang may tinawag ito at bumalik ito sa kanyang kwarto kasama sina Kim, Jezzel, Rica at Christina.
"RICA?! CHRISTINE?!" Sigaw niya nang makita sila.
"Bestie! Ba't nandu'n ka nung nangyari iyon?! Ba't du'n mo pa kasi naisipang tumambay?!" Iyak ni Christine at dahan-dahan siyang niyakap.
Tumingin muna si Maricar kina Jezz at Kim bago tumingin sa kambal. "Uhm, pwede bang makapag-usap muna kami nina Jezz at Kim?" Tanong niya sa dalawa. Ipinakita niya ang malambing niyang ngiti sa dalawa.
Tumayo naman ang dalawa sa pagkakaupo at lumabas ng kwarto. Pero bago pa ito makalabas ay tiningnan muna nila ng maigi si Maricar bago tuluyang lumabas.
"Ma, pwede kaming mag-usap?" Tanong niya sakanyang ina.
"Oo, syempre. Dito lang ako sa tabi." Sagot nito sakanya.
"I mean, can we talk in private?" Pag-papaliwanag niya. Nakuha naman ng kanyang ina ang ibig nitong sabihin kaya lumabas ito ng kanyang kwarto.
Nang silang tatlo nalang ang nasa kwarto at natiyak na nilang naka-lock na ang pintuan ay umupo sina Jezzel at Kim sa kama ni Maricar.
"Nakita mo ba talaga si Samara sa lumang building?" Tanong ni Kim. Napagtanto na ni Maricar na sa puntong ito ay naikwento na ni Jezz kay Kim ang lahat ng nangyari ngayong araw.
"Oo. Nag-mamadali siya. Nang mag-simula ang sunog, bigla siyang tumakbo." Tugon ni Maricar.
"Baka naman nagulat lang ng mag-simula ang sunog?" Tanong ni Kim.
"So you're protecting the bitchy girlfriend of the body someone's pinning on us, huh?" Tugon ni Jezzel at binigyan ng nakakamatay na tingin si Kim.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...