22. STAKE OUT AT MADHOUSE
NANG MAKAALIS SI KIM kasama si Jezz sa hospital ni Maricar ay agad silang sumakay sa kotse ni Jezz.
"You sure, you wanna do this, Kim?" Tanong ni Jezz. "Maricar almost died in the fire."
"Jezz, hindi titigil sa pang-bubully sa'tin kung hindi natin tatapusin to!" Tugon ni Kim. Bigla niyang pinigilan ang sarili dahil muntik na niyang sabihin kay Jezz ang tungkol sa perang natanggap niya at sa mga texts na tinatakot siya.
"It's now or never." Tugon ni Jezz at pinihit ang gas.
"Maintain your distance." Sagot ni Kim habang tinitingnan sa malayo si Samara. Alam niyang malakas makaramdam si Samara dahil magaling itong kumuha ng mga gossips at chismis sa school, kaya ngayon ay halos malayo sila kay Samara.
Pinagmamasdan lang ni Kim si Samara habang may hawak itong mga shopping bags kasama si Audrey. Masaya silang nag-uusap sa isang cafe. Mabuti na lamang at nakaupo sila sa labas ng cafe at nababantayan ni Kim ang bawat kilos nila.
"Tingin mo sinasabi ni Samara ang mga nangyari kanina sa hospital?" Tanong ni Kim habang hindi inaalis sa paningin niya sina Samara at Audrey.
"Maybe." Tugon ni Jezz at sandaling tumigil. "But it's impossible. Hindi kilala ni Audrey si Josephine. Ano namang mapapala niya sa isang missing girl from Davory Pines."
Katahimikan. Naging awkward ang paligid nang mabanggit ang mga salitang 'Missing Girl'.
Pero may punto si Jezz. Imposibleng magkaroon ng interes si Audrey kay Josephine dahil hindi naman nito kilala ang isa't-isa. Anong pinaplano mo, Samara? Bulong ni Kim sa kanyang isipan.
"Look, they're saying their goodbyes." Tugon ni Jezz. Agad napangiti si Kim nang makitang ganoon pa rin pala mag-paalam si Audrey sa kanyang mga kaibigan. Makikipag-apir ito at yayakapin nito ang kaibigan tapos hahalikan sa pisngi. Bigla niya tuloy namiss ang presensiya ni Audrey. Kahit alam nito ang sikreto niya at kahit hindi ito masyadong naging mabuting kaibigan sakanya, ay napamahal na siya kay Audrey. Naging respetado at sikat siya dahil sa pagkakaibigan ni Audrey. Natikman niya ang pakiramdam na mamuhay bilang isang prinsesa. Hindi nga niya alam kung paano naging Queen Bee nang ganu'n-ganu'n na lamang si Audrey, siguro dahil sa kagandahan niya at sa nakakahipnotismo niyang mga salita.
"Ok, she's getting in her car." Puna ni Jezz. Tama nga si Jezz. Papasok na si Samara sa driver's seat pati na rin si Audrey.
"Hinahatid niya si Audrey?" Biglang tanong ni Kim. Ang akala niya'y may sasakyan si Audrey.
"Audrey doesn't have a car. At, ayaw niyang ipagkalat iyon sa buong school." Tugon ni Jezz.
Nang umarangkada na ang sasakyan ni Samara ay agad itong sinundan ni Jezz. Halos napahawak si Kim sa upuan dahil sa bilis nitong magpatakbo. Clearly, ayaw rin nitong mawala ang paningin kay Samara.
"Are you positive na may makukuha tayo ngayon?" Biglang tanong ni Jezz habang nag-mamaneho. "It's broad daylight in a Wednesday morning. Tingin mo pupunta ang killer sa kuta niya ngayon?"
Napabuntong hininga na lamang si Kim. Siguro'y nababaliw na siya. Hindi pa nga siya siguradong si Samara ang killer ni Gio, susugod na siya. Ngunit malakas ang kutob niyang may tinatago si Samara.
BINABASA MO ANG
Beauties
Детектив / ТриллерHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...