02. Incident Marks First Kiss

86 4 0
                                    

                02. INCIDENT MARKS FIRST KISS


                NANG ALAS-SINGKO NG hapon, sa parehong araw ay nag-lalaba ng damit si Kimberly Gabayeron. Inuna muna niyang ibabad ang mga puting damit bago ang mga de color. Maingat niyang nilagyan ng fabcon ang mga damit at isinampay ito. Mainit man ang panahon ay tiniis niya ito dahil susuotin rin naman niya ang mga damit bukas o sa makalawa. Naalala niya ang kanyang ina. Alas Singko Trenta na pala at kailangan na niya itong painumin ng gamot. Umakyat siya sa kahoy na bahay nila. Maingat siya sa pag-lalakad sa marupok na kahoy at tinungo ang kwarto ng ina.

                "Ma, inom na po kayo ng gamot." Sagot niya habang inaabot sa kanyang ina ang limang tabletas.

                Bagama't nahihirap sa pag-upo sa kama ay kinuha ni Mrs. Gabayeron ang mga tabletas at isinubo itong lahat sa kanyang lalamunan sa loob ng dalawang lagok ng tubig. Bumalik ito ng pagkakahiga at hinarap si Kim.

                "Kailangan ko ng pera!" Sagot nito. Napatingin naman si Kim sa ibaba. Wala siyang kahit na anong maibigay sa kanyang ina. Sa susunod na buwan pa ang suweldo niya at plano sana niyang ipambayad iyon sa skwelahan niya.

                "Ma, wala akong pera." Tugon niya at kinumutan ang kanyang ina.

                "Sigurado ka?!" Sigaw nito habang hinahawakan siya sa magkabilang bisig niya. "Nakakita ako ng makapal na pera sa ilalim ng unan mo?! Nasaan ang iba?! Nasa'n!!!!" Sigaw nito. Hindi niya alam ang sinasabi ng kanyang ina. Kahit kailan ay hindi siya nag-lilihim sa kanyang mga magulang tungkol sa pera.

                "Nay--"

                Isang sampal ang nakuha niya.

                "Ano ito?!" Nahihirapan mang bumangon ang kanyang ina ay kinuha nito ang isang makapal na papel ng mga pera, puro isang libo at natitiyak niyang sa gano'n kalaking halaga ng pera ay mababayaran na niya ang buong semestre niya sa eskwelahan.

                "KELAN KA PA NATUTONG MAG-LIHIM SA AMIN HA?!" Sigaw ng kanyang ina. Sandali itong tumigil sa pag-sasalita at hinabol ang sariling pag-hinga.

                "Ma, relax." Inabutan niya ng tubig ang kanyang ina ngunit itinabig nito ang kamay niya kaya nabuhos ang tubig sa makapal na papel ng pera.

                "TINGNAN MO ANG PINAG-GAGAWA MO?!" Sigaw nito at sinampal siya. "Wala ka ng ginawang tama!" Isang impit na iyak lamang ang tugon niya habang hinawakan ang namamaga niyang pisngi.

                Padabog siyang umalis ng kwarto niya at humiga. Mabuti sanang makulong nalang siya. Mabuti pa't doon na lamang siya habang buhay. Wala rin namang nagpapahalaga sa kanya.

                Kinuha niya ang motorola cellphone niya at hinanap ang Maricar Reyes sa listahan.

                "H-Hey!" Nabigla naman siya sa lakas ng boses ni Maricar na para bang may kinatatakutan.

                "Easy there!" Tugon niya. "Forget about the lawyer. Sorry kung pine-pressure kita. Kalimutan mo ng humingi ako ng tulong..." Gusto sana niyang idagdag na 'Gusto ko rin namang mabulok sa kulungan' ngunit naisipan niyang kahit si Maricar ay walang kaalam-alam na mahirap na sila.

                "No..." Nag-mamadaling tugon ni Maricar. "May nahanap na siya! She'll meet us at school maybe."

                "Ok." Malamya niyang sagot.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon