15. PACKAGE OF REVELATION
SABADO NG HAPON ay abala si Maricar sa tinatapos niyang homework sakanyang World Literature. Lumilipad ang kanyang mga daliri sa keyboard habang iniisip kung tama bang pumatay ng tao kung karapat dapat ito? O kung mali ito at hayaan ang hustisyang bahala sa taong iyon?
Habang abala siya sa pag-tatype sa keyboard ay naalala niya si Alex. Hindi pa rin sila nagkakabati at tila wala itong balak na makipagbati sakanya. Siguro tama si Alex, siguro nga ginagamit niya ang sarili niya para maabsuwelto ang mga kasalanan niya.
Bumaba siya ng hagdan at sinilip ang office ng kanyang ina. Wala ito rito. Malamang ay nasa mga kaibigan ito ngayong sabado ng hapon.
Sinilip naman niya ang kwarto ng kanyang ama. Wala rin ito rito. Naalala niyang nag-bilin nga pala ito sakanya na gagabihin ito ng uwi. Napabuntong hininga siya. Kailangan niyang gumawa ng community service sa pagnanakaw ng letcheng paldang iyon. Kailangan niyang sabihin sa mga magulang niya na nag-nakaw siya. Eh kung ano kung nagkasala siya? Pagkakamali niya iyon. Itatakwil kaya siya ng kanyang mga magulang dahil mas importante sa mga ito ang mga pangalang inaalagaan nila?
"Hay! Napakaraming problema!!!" Sigaw niya. Tiyak namang walang makakarinig sakanya kaya mas nilakasan pa niya ang boses niya. "ISA AKONG KAHIHIYAN!!!"
Ding dong.
Nabigla siya nang tumunog ang kanilang doorbell. Imposible namang mama niya ito dahil hindi pa ito uuwi hanggang gabi. Hindi din pwedeng maging papa niya ang nasa labas dahil gagabihin raw ito ng uwi.
Ding dong.
Agad siyang ginambal ng tunog ng doorbell sakanyang pag-iisip. Sino kaya ito? Agad niyang sinuot ang kanyang hoodie upang matakpan naman ang kanyang balat sa suot niyang white see-through sando na nabili niya sa Ramcey's.
Bumaba siya sa hagdanan at binuksan ang pinto.
Nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng kalo at naka-unipormeng kulay kahel. May dala itong maliit na kahon ng package.
"Kayo po ba si..." Sandali muna itong tumingin sa papel na hawak nito bago nag-salita. "Maricar... Maricar Reyes?"
"Yeah... A-Ako nga?" Lumabas na parang tanong ang kanyang sagot. Nakakapagtaka. Wala naman siyang inorder sa isang online shopping at wala naman siyang inaasahang package ngayong araw?
"Pakipirmahan nalang po rito para mareceive niyo." Tugon ng lalaki sakanya.
Pinirmahan niya ang papel na hawak nito at tinanggap ang maliit na kahon.
Papaalis na sana ang lalaki nang tawagin niya ito. "Teka, Kuya... Sino ang nag-padala nito?"
Ngumiti ang lalaki. "Wala bang nakalagay?"
Tiningnan naman niya ang maliit na kahon at ang naroon lang ay ang pangalan niya.
Umiling siya.
"Baka gustong magpakadiscrete. Marami gumagawa ng ganyan sa office. Baka naman secret admirer mo, Miss Maricar." Tugon ng lalaki at pinaharurot na nito ang sinasakyang motor.
![](https://img.wattpad.com/cover/28423537-288-k29320.jpg)
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...