08. SAVE ME FROM HELL
NAKATINGIN SI JEZZEL sa kisame habang inaalala si Gio. Napabalikwas siya ng bangon at tiningnan ang bracelet na may nakalagay na I'M IN DANGER. Imposibleng mapahamak si Gio. Mabait na tao si Gio, lahat ng babae ay gusto siya, lahat ng lalaki'y gusto maging siya. Sino bang may balak pumatay kay Gio? Isa kaya ito sa mga taong nirerespeto siya?
Tumunog ang telepono niya.
'Jezz. I'm outside. R U COMING?! -Mar R.'
Agad niyang kinuha ang kanyang caramel leather jacket at isinuot iyon. Dali-dali niyang tinakbo ang kanilang hagdanan at binuksan ang kanyang pintuan. Naroon nga si Maricar sa loob ng kanyang pulang sportscar. Nang makasakay siya at naisara ang pintuan sa passenger's seat ay nagulat siya sa suot ni Maricar.
"Seriously? Mar?" Tanong ni Jezz habang tinititigan pa rin ang maitim na bodysuit na suot ni Maricar habang nakashades ito.
"What? Mag-uundercover tayo diba? This isn't undercover worthy?" Tanong nito at panandalian nitong ibinaba ang Gucci shades nito sakanyang ilong dahilan upang masilayan ni Jezz ang kayumanggi nitong mga mata.
"You're over dress. You'll be a distraction. Ako ang aakyat sa kwarto ni Gio." Tugon ni Jezz habang inaayos ang kanyang seatbelt.
"What?! Sayang naman ng outfit ko! Ako nalang ang maghahanap." Pangunguso nito sakanya.
"Do you know what you're looking for?" Tanong ni Jezz na nakapagpaisip kay Maricar.
"Fine. Ikaw na ang maghanap!" Tugon nito at nag-simula ng mag-maneho.
Ilang minuto lang ay may napansin si Jezzel sa side mirror ng kotse ni Maricar. "Mar, creepy cop alert!"
Tiningnan ito ni Maricar at napansin ni Jezz ang pawawala ng natural na kulay sa mukha ni Maricar. "Mar? You okay?"
"Y-Yeah... Ryan is just being a creep." Tugon nito.
"Ryan?" Tumawa si Jezz. "You're calling Inspector Jimenez, Ryan now?"
"Mind your business bee-yotch!" Sigaw ni Maricar at nilakasan na lamang ang tunog ng kanyang kotse.
MALAKI AT MAPUTING bahay ang sumalubong kay Jezz nang makalabas siya sa kotse ni Maricar. Minabuti nilang sa malayo ang lugar ng pagpaparkingan nila ng kotse upang di maghinala ang mga Briones.
Pinindot ni Maricar ang doorbell at sumalubong sakanila si Mrs. Briones na masayang masaya at pulang pula, halatang kagagaling lamang nito sa kakatawa.
"Hi girls. What brings you here?" Sagot nito na mas lalong pumula ang pisngi nang makita si Jezz.
"Hi Mrs. Briones--" Natigilan si Jezz nang sawayin siya ng mama ni Gio.
"Call me Tita Almira. You're making me sound old with that Mrs. thing." At tumawa siya at dinala sila sa malawak nitong living room. "So, what brings you here?"
"Tita, we're deeply sorry for what happened to Gio." Panimula ni Maricar. Noong una'y akala ni Jezz ay magaling lamang magkunwari si Maricar ngunit napagtanto niyang nalulungkot talaga si Maricar sa pagkawala ni Gio. Kitang-kita niya ang pagod na mga mata nito na halatang kagagaling lamang sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...