17. Quest through Footage

43 2 2
                                    

                17. QUEST THROUGH FOOTAGE


LUNES NG UMAGA ay maagang nagising si Jezzel Imperial. Napatingin siya sa kanyang kama. Gano'n pa rin ang ayos nito. May nagkalat na libro, magugulong ballpen na nagkalat sa malambot niyang comforter at ang kanyang laptop na nakalimutan niyang patayin bago siya matulog. Isa-isa niya iyong nilagay sakanyang shoulder bag at dumiretso sa kanyang sariling kubeta at naligo. Matapos siyang maligo ay nag-isip siya kung anong susuotin. Napagdesisyunan niyang suotin ang kanyang light blue polo at pinatungan niya ng gray blazer. Sa pang-ibaba naman ay kuntento na siya sa isang plain black pants at isang flat shoes. Para makumpleto ang kanyang suot ay nag-lagay siya ng rosebud salve sakanyang labi.

Kinuha na niya ang kanyang bag at maliliit na librong dadalhin at bumaba sa sala upang kumain. Naroon na ang kanyang ama at ina. Ngunit wala pa ang kanyang kapatid.

"Jezz, remember yung usapan natin tungkol sa'yong curfew." Panimula ng kanyang ama habang kumakain ito ng waffle. "7PM Jezzel Imperial. 7PM, I am allowing you to drive alone but you need to be here on or before 7!"

"What did she do today?" Tanong ng kapatid niyang si Mae at tumabi sakanya.

"None of your business!" Matigas niyang tugon at inirapan ang kapatid niya.

Ilang minuto lamang at pumasok na ang mga katulong sa dining area at nilagay ang breakfast ni Jezz. Ceasar Salad. Ganu'n pa rin. Hindi niya alam pero natatakam siya sa pinaghalong lettuce, tomato, chicken at bacon na may salad dressing na gusto niya.

Bago pa man siya makaisang subo ay may biglang pumasok sa isip niya.

"Who made this?" Tanong ni Jezz.

"Si, Chef Wilson. Why?" Tanong muli ng kanyang ama.

"I think the last one's really bad." Pagdadahilan niya. Hindi niya pwedeng sabihing may drug roon at baka bigla patalsikin ang kanilang chef. Gusto muna niyang alamin. "Like, really bad."

"You mean, expired?" Tanong ng kanyang ina habang nasa harap pa rin ito ng kanyang laptop.

"Look, gusto ko lang malaman sino ba talaga ang humawak sa plato ko bago ko ito kainin?" Sigaw niya.

"The chef at si Yaya Inda." Tugon ng kanyang ina. "You can order something else kung ayaw mo."

"Ok, gotta run," Tugon niya at kinuha ang kanyang gamit.

"Yung pagkain mo!" Sigaw ng kanyang ama habang kinukuha niya ang susi ng kanyang kotse.

"I'll go grab something on my way to school!" Sigaw niya at pumasok sa kotse niya. Nadrug man siya ng kung sinuman pero mas matalino siya para kumain sakanilang bahay sa pangalawang pagkakataon.

HABANG NAG-LALAKAD SI Jezz sa eskwelahan ay hindi niya mapigilang kabahan. Ngayong araw kasi niya susubukang hanapin ang taong sumulat ng libro na nakadedicate kay Gio. Kinakabahan siya sa kung anong pangalan ang mahahanap niya. Kung kilala ba niya ito o kung may alam ba ito sa pagkamatay ni Gio?

Naglakad si Jezz sa maiingay na hallway ng Davory University. Pumasok siya sakanyang silid sa una niyang subject at umupo sa harapan. Inilibot ng kanyang mata ang silid at nalungkot nang makitang wala pa sina Maricar at Kim.

Ilang minuto siyang umupo hanggang sa nag-daan ang mahabang oras. Ang sunod niyang alam ay ang masasayang sigaw ng kanyang mga kaklase dahil hindi raw papasok ang kanilang professor. Tamang-tama, pwede niyang gamitin ang natitirang oras para mag-hanap sa lumang building.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon