16. GENEROUS BOSS
NANG PAREHONG ORAS na iyon ay abala si Kim sa pagdadala ng order ng mga customer sa Villa Briones. Biglang pumasok sa isipan niya si John. Nasa'n na kaya ito? Ilang araw na rin itong hindi nag-tetext sakanya at hindi man lang ito pumapasok sa trabaho. Wala na siyang balita rito. Pinilit niya itong tawagan ngunut panay lamang ang ring ng telepono, walang sumasagot. Katawan niya nga lang ba ang habol ni John? Inalis niya ang ideyang iyon sa kanyang isipan at pinilit na itatak sa kanyang kokote na matinong tao at maginoo si John. Kailan kaya niya ito muling makikita? Gusto na niyang haplusin ang kayumanggi nitong balat. Gusto na niyang halikan ang malambot nitong labi. Kapag nakita niya si John, ano kaya ang sasabihin niya rito?
Tagaktak ang kanyang pawis habang hawak hawak sa kanang kamay niya ang isang plato ng Chicken Cordon Bleau at isang mainit ba Chamomille Tea sa kaliwang kamay. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay napaisip siya kung sino ang matinong taong iinom ng isang mainit na tsaa sa kaligitnaan ng mainit na panahon. Iwinaglit na lamang niya sa iyon sa kanyang isipan at isinerve ang pagkain sa table 86.
"Enjoy your meal, Sir." Aalis na sana siya ng tawagin siya ng customer.
"Miss." Sagot ng lalaki. Hindi ito humaharap sakanya at nakatingin lamang ito sa inorder nitong Chicken Cordon Bleau. "There's something wrong with my order. Sinabi kong gusto ko ng undercooked chicken. I don't like overcook!"
Napakagat siya ng labi. Sa pagkakaalala niya ay walang sinabing ganoon ang customer. Kung may ganu'n mang order ang mga customer ay matatandaan niya ito at mai-aalert niya ang chef. Hindi pwedeng itapon na lamang ang order na ito. Dalawang buwang sweldo ang katumbas ng presyo nito.
"Ugh, sir, you didn't mention something about the chicken." Mahinahon niyang tugon. Siguro naman maiintindihan siya ng customer. Wala naman siyang ginawang mali, ginawa lang naman niya kung anong inutos nito sakanya.
"So you're saying that I'm an idio-" Natigilan si Kim at ang customer sa pag-sasalita nang mag-tagpo ang kanyang mata at ng lalaki. Ngayong nasa harapan niya ang taong kanyang hinahanap ay napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. Namanhid ang kanyang labi na parang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nasa harapan niya si John Moreno, ang kanyang nobyo.
"J-John..." Sa wakas ay nakahanap siya ng lakas upang mag-salita sa kabila ng nanlalambot niyang mga tuhod. "A-Anong n-nangyari sa'yo?"
"Kim," Tugon nito. "May nais kang malaman."
"John, ilang araw kang hindi nag-pakita..." Hindi niya naitapos ang kanyang sasabihin. Ngayong nasa harapan na niya ang lalaking matagal na niyang hinahanap ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito.
"Kim, I'm sorry..." Tugon nito at nakatingin lamang ito sa ibaba.
"Babe, nandyan na ba yung order natin?" Tumingala si Kim at may nakita siyang babaeng nakasuot ng isang mamahaling bestida. Tantiya niya ay nasa kwarenta ang edad ng babae.
"Babe. Let's eat somewhere else." Tugon ni John sa babaeng kakarating lamang. "Pay the bill. And give this girl a big tip." Dugtong pa nito. May nilapag na malaking halaga ng pera ang babae sa mesa at umakbay na ito kay John habang palakad ito palayo.
Bago pa man ito makalabas ay hinabol ito ni Kim. "John!" Sigaw niya at hinablot ito sa braso. "Hindi ko kailangan ng pera mo! Manloloko ka!" At isinampal niya ang makapal na pera sa pisngi nito.
Bumalik ang tingin ni John sakanya. Puro kalungkutan ang emosyon nito ngunit hindi na mahuhulog si Kim sa pagmamakaawa nito. Pansin rin ni Kim na may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...