30. HANGOVER PARTY
HALOS ISANG ARAW NANATILI SI MARICAR sa Hotel Brill kasama si Audrey. Umupo siya mula sa pagkakahiga at agad nag-sisi dahil biglang sumakit ang ulo niya. Hilong hilo siya at tila umiikot ang paligid niya.
"Wake up, sweetie!" Mas lalo siyang nahilo nang tumalon si Audrey sa kama niya.
"Ano ba?!" Singhal niya. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya. Masyadong masakit ang ulo at wala siyang maalala kahapon o kagabi.
"Someone woke up on the wrong side of the bed today!" Saway nito at umalis sa kama niya at sumayaw sayaw habang suot suot ang bath robe nito. "You know, maligo ka. It will help!"
Agad niyang napansin na nakabihis pa siya. Isang fitted black dress at amoy suka pa ang buhok niya. "Ano bang nangyari kagabi?" Paika-ika siyang nag-lakad sa banyo upang hugasan ang mukha niya dahil alam niyang tuyong tuyo na ito.
"Hell, you were a party animal, Mar! Ang wild mo pala kapag nalalasing?!" Sigaw ni Audrey.
"NAKAINOM AKO?!" Sigaw niya. Alam ng lahat ay wala siyang pakialam sa mundo at isa siyang carefree'ng tao pero ang hindi nila alam ay hindi talaga siya umiinom.
"Well, technically, three body shots isn't counted as drinking... But when the alcohol started working its magic, the rest was history!" Ngumiti si Audrey sakanya.
Wala siyang maalalang kahit na ano. Ang naaalala lang niya ay katawan ng isang lalaki. A hunk. "What's with a hunk. I remember a hunk body... Audrey please tell me I didn't hook up with someone."
Isa siyang virgin. At kapag ibinigay niya ang sarili niya sa kung sino lang dahil lasing siya, talagang magpapakamatay siya.
"Oh. It wasn't big of a deal." Pag-ngisi ni Audrey ngunit pakiramdam niya'y parang may tinatago ito sakanya.
"Audrey... Anong nangyari?"
"Nakipagbody shot ka lang okay? On the neck of a guy, on his abs and on the lower part of the abs..." Tugon nito.
"Lower?! Ibig mong sabihin yung kanyang..." Pinutol na niya roon.
"Hindi no?! It was on the lower abdomen. You know BJ isn't my thing. And yours too!"
Nakatulala lang si Maricar. Hindi niya alam kung matutuwa siyang walang nangyari o masusuka siya dahil may boyfriend na siya. Tila namumuo na ang pait sa kanyang bibig kaya agad siyang tumakbo sa kubeta upang sumuka.
"Wow, you're overacting!" Puna ni Audrey habang nakabihis na ito.
"At ba't bihis na bihis ka na? Are we on for another party dahil balak ko lang talagang matulog ng buong araw dito!" Pag-mamaktol ni Maricar habang pabalik sakanyang kama.
"You kidding me right? Halos ikaw pa nga ang nangumbinse sa'ken na sumama sa'yo tapos ngayon, di ka pupunta?!" Tugon ni Audrey.
"Eh sa'n ba yan?"
"Tomorrow's Joane's birthday! She'll be eighteen this midnight so there will be a countdown on her birthday!"
"JOANE'S BIRTHDAY IS TODAY?!" Sigaw niya. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakita niyang bumabaha ang kanyang notifications.
Fae Rafael tagged you in a photo.
Fae Rafael?! Ang pagkakaalam niya'y isa itong teen model. Agad niya itong binuksan at nakita niya ang sarili niyang nakaakbay sa modelo habang nakanguso sa camera.
Halos 300+ ang notification niya at wala na siyang planong buksan pa ang mga ito. Pumunta siya sakanyang Messages at nakitang may 140 messages at 267 missed calls siya.
BINABASA MO ANG
Beauties
Mystery / ThrillerHINDI INAASAHAN NINA Maricar Reyes, Kimberly Gabayeron at Jezzelle Imperial ang kanilang bagong makakaibigan, si Audrey Regencia. Maganda, Matalino, Sikat. Nasa kanya na ang lahat. Siya ang nag-bigay ng kasikatan sa tatlong simpleng babae ng Davory...